Chapter 78

1.4K 36 8
                                    

ZACHARY'S POV

Kakatapos ko pa lamang magpalit ng practice clothes ko nang makatanggap ko ng isang text message.

From: YAM <3 +63920*******

I'm sorry. Let's talk.

Parang lumundag ang puso ko pagkakita ko pa lamang sa rumehistrong numero sa screen ng cellphone ko. At nang mabasa ko ang kalakip na mensahe nito, labis na saya ang naramdaman ko.

I was about to dial her number when an incoming call from Tanya (Anja) came. Hindi pa ako nakakapag-hello ay sinalubong na kaagad nya ako ng ilang tanong.

"Tinext ka na ba nya or tinawagan? Pinuntahan ka ba nya dyan sa Quest?"

"Woah! Teka lang Tanya, hinay hinay. Mahina ang kalaban. Papaano mong nalaman na kokontakin nya ako?"

"Bayad na ako sa'yo."Tila nakangiti nyang sagot sa akin. May nahihimigan kasi akong saya sa boses nya.

"Nagkausap na kayo? Pinaliwanag mo na sa kanya? Anong sabi nya?"Para namang may naghahabulang pusa at daga sa dibdib ko.

"Mas mabuti siguro kung kayong dalawa na lang ang mag-uusap. Goodbye Zac."

"Wait. That sounds like a real goodbye."

"I need to face now the consequences of my actions, alam mo na, sa WAVE at sa Amethyst."

She heaved a sigh before speaking again.

"Paano Zac, I gotta go. Alagaan mo ang baby sister ko ha."

"Tanya. Salamat."

"No worries. Ginawa ko lang kung ano ang tama. I wish you all the happiness in the world Zac. Thank you for everything, for every memory I had with you. Good bye."

And then she ended the call. Syang pagpasok naman ni Eid sa locker room. Ipinapatawag daw kaming grupo sa conference hall.

I was about to call Yam first para i-confirm ang pagkikita namin nang tapunan ako ni Manager ng matalim na tingin kaya ipinasya ko na lamang na padalhan sya ng isang text message.

To: YAM <3 +63920*******

Can't wait to see you & talk, I miss you so much. Call you later. I love you forever.

Nagsi-upo na kami sa conference hall. Kapansin pansin na lahat ng staffs na parte ng paghahanda para sa pagdebut ng grupo naming ZSADE sa susunod na buwan sa SoKor ay nandito rin. Kadalasan kasi ay ang manager, main choreographer at composers lamang ang sumasali sa meeting. Hindi ko napigilan ang kaba nang pumasok sa hall ang OIC ng QUEST Philippines, napakaseryoso pa ng mukha nya.

Muli naming pinag-usapan ang kontratang pinirmahan namin matapos kami manalo sa KSS3 ilang taon na ang nakakalipas. Magkakaroon daw ng mga pagbabago.

Dalawang araw matapos ang graduation ay lilipad na kami papuntang SoKor at doon na itutuloy ang paghahanda sa debut namin. Binigyan din kami bawat isa ng personal managers na makakasama namin sakaling may mga individual activities na kailangang gawin o puntahan. Mananatili pa din naman si Manager Hwang bilang manager ng buong grupo.

Inilahad na din nila sa kontrata ang dating ban sa loob ng tatlong taon. Pasimple kaming nagkatinginan nina bugoy. Tila naman nabasa ng OIC ang mga isipan namin.

"I know most of you are in a relationship. And we are not asking you to break up with them. We just want you to keep them in private. You already are aware how this indrustry works, dating can either make you or break you."

"When you signed your contract with us years ago, I thought naging malinaw sa inyo that music & performing will be your 1st priority. You know, we don't usually tolerate things and activities that hinder our artists' progress. But because nagtiwala kami sa inyo, naging maluwag kami. You can go clubbing, hang-out with kids your age, enjoy your lives as teenagers. But what had happened? You got into fights. Missed practices. Break dorm rules. Lack focus during trainings. You caused headaches to your choreographers & vocal coaches. Geez! We expected a lot from you boys. Everyone in this room invested time and effort just to make your debut possible. The company provided you everything you need. But you ended up disappointing us."

My Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon