Chapter 20 - Game of Love

3.8K 68 2
                                    

ZAC'S POV

                  First game ay pillow fight habang naka-upo sa gymnastics beam na nababalutan ng silky cloth. Imagine kung gaano kanipis at kadulas yung uupuan namin habang naghahampasan ng unan.

                  By pairs ‘to so, kailangan naming pabagsakin yung kalaban naming pair. Don’t worry, foam yung babagsakan.

[a/n: Yung beam po na sinasabi dyan was similar to the one used by gymnasts kapag ginagawa nila yung balance beam routines nila, ang pinagkaiba lang eh madulas yung beam to be used in this game.]


                Final round na ng 1st game, kami ni Reesh versus Eid and Tin. I was sitting next to Reesh tapos kaharap nya si Tin, sa likod naman ni Tin si Eid.

                                              Zac>Reesh=>  VS  <=Tin<Eid

                  Ayos lang yung posisyon na ganito, mahahaba naman ang mga braso namin, magkakabutan pa din kami ni Eid.

                “This is the deciding round for the 1st game. What do you want to say?” tanong ng MC ng show/party kina Tin at Eid.

                “Fighting!” sina Tin & Eid.

                “How about you birthday girl?”

                “We’re gonna take them down. Haha.” si Reesh. Tapos nakipag-high five sya sakin.

                “Ok. Game START!” whistle by the MC.

                Nakakatawa lang yung magbestfriend nung simula, nagkahiyaan pa maghampasan ng unan. Nagbow pa nga sa isa’t isa. Mahina lang nung simula hanggang sa lumalakas, tawa pa sila nang tawa kapag na-outbalance ang isa sa kanila.

                 Kami naman ni Eid, iniiwasan naming matamaan yung dalawang babae sa unahan namin. Kaya kahit malayo, pilit kong ipinaabot yung unan Kay Eid nang hindi tumatama kay Tin. Tapos ganun din sya sakin, iniiwasan nya matamaan yung girlfriend nya na nasa harapan ko lang.


                Hanggang sa mahulog na si Reesh. Ako na lang against kay Tin at Eid.


                Palakas ng palakas yung paluan namin pero tawa pa din kami nang tawa hanggang sa napalakas ang tama ng unan kay Tin. Na-outbalance sya, Eid tried to hold her para di sya mahulog pero worse nahulog pa sila pareho sa foam.


                PANALO KAMI!

                High five ulit kami ni Reesh.

                Sina Tin at Eid, di pa din bumabangon sa pagkakahiga sa foam, wagas makatawa ‘tong dalawang ‘to. Parang sila ang nanalo sa saya nila.

My Mystery GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang