One Big Revelation

4.5K 96 0
                                    

[a/n: bonggang bonggang narration po ang chapter na 'to.  sana po tyagain nating basahin. eto na po ang gustong malaman ni Zac tungkol kay Kristen, magbubunga na po ang pagiging stalker nya. haha.XXXXDDDDD thank you po <3]

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

              "Salamat po." pumasok na ako sa kwartong tinuro ng mommy ni Kristen. Walk-in closet pala. I was about to take off my uniform nang may mapansin ako sa dulo ng kwarto.

                  It was Kristen's mural and she has balloons as her background. She was wearing polka dots peach shirt and she's smiling cutely. Even her eyes were smiling na kapag tinitigan mo mapapangiti ka din, bigla tuloy ako nahiyang maghubad. 

OA ka Zac ha? Picture lang yan. 

Why is her smile so tender? 

Nagbablush yata ako. Ambading ko naman. Aish! Tumalikod na lang ako sa mural, dali-daling nagbihis at lumabas na.

Narinig ko pa yung sinabi ng doctor na overfatigue at pagkababad sa ulan ang dahilan kaya sya nilagnat. Wala din daw sa proper time ang meal intake nya, so her mom should pay attention on her meals. Lumabas sandali ng kwarto si Mrs. Yang upang ihatid ang doctor.

Naiwan na naman ako kasama sya. Hindi pa din sya nagkakamalay, maputla sya at kumpara sa unang pagkikita namin ay malaki na nga ipinayat nito. 

Hindi ko napigilang maawa sa kanya nang maalala ko kung pano sya itinulak nung babae kanina. Bakit pa ba kasi sya bumalik sa lugar na yun at hinayaan ang sarili nyang mapahiya?

"Salamat sa paghatid mo sa kanya dito." sabi ng mommy ni Kristen. 

Nakangiti sya pero hindi umabot sa mga mata nya. Halatang alalang-alala sya sa anak. 

"Naaawa ka sa kanya?" 

Hindi ako nakaimik. 

"Gusto mo bang malaman kung bakit sya ganyan?" 

Tumango ako.

Lumabas ng kwarto si Mrs. Yang at pinasunod ako sa kanya sa lanai. 

Napakaganda ng view, tanaw na tanaw ang mga ilaw mula sa syudad. 

                "Ano nga iho ang pangalan mo?"

                "Zachary Jung po."

                "Korean?"

                "Half po. Daddy ko po ang Korean. mommy ko Pinay."

                "Oh I see. Saan mo nga ba natagpuan ang anak ko?"

                "Sa labas po ng bahay ng mga Hwang."

                "Hwang. Kina Kayzer Hwang." tumatango-tango sya habang binabanggit ang salitang Hwang. "Si Kayzer Hwang na naman. Kailan ba sya magigising sa katotohanan na hindi na sya babalikan nito? Apat na buwan na ang nakakalipas, ganyan pa din sya, walang buhay." mangiyak-ngiyak si Mrs.Yang. 

Tila naging bato naman ako sa kinauupuan ko.

                "She has been an achiever since she was young. Kung sa talino din lang hindi sya nagpapahuli. Masipag sya, matiyaga at mabait. Kaya nang makahiligan nya ang Kpop, hindi kami humadlang besides Korean din naman sya.

                  Nagkaroon ng screening dito ang WAVE Entertainment noong nasa grade school pa lamang sya, sinwerte at nakapasa sa audition. Nagsimula na syang magtraining when she was 9. Transferee that time sa MVH si Kayzer. Naging magkakaklase sila at dance partners din during their trainee days. They're always together since then, may practice man o wala.

                  Hindi kami humadlang nang mapansin naming nagkakagustuhan na sila kahit pa masyado pa silang mga bata. Kasundo din kasi namin ang pamilya ni Kayzer. She was 13 while he's 14 when they became a couple. Napakadedicated nila pareho sa trainings at pag-aaral kaya sa isip namin, wala kaming dapat ipag-alala.

                  But when he turned 15, he was given the chance by WAVE to debut in South Korea, so he has to leave. Tin cried a lot upon finding out, but with Kayzer's assurance that he'll wait for her in Korea and they'll be together again, she gained the strength to move forward. Mas naging hardworking pa sya. She was able to maintain high grades in her academics while improving a lot during her practices.

                  Until that day came, after the year-end exam last March she was called by Wave to come to South Korea to prepare for her debut together with her co-trainees. Lumipad kami kaagad kasi in 2 months na yung debut. Sinundo pa nga kami ni Kayzer sa airport at sobrang saya nila nang magkita sila ulit. He was at that time a successful member of SPADE. Everything was going smooth while preparing for her debut with AMETHYST...."

               "AMETHYST?!" I blurted out. She was the former member of Amethyst?

                "Yes. She was supposedly a part of that group. If you have the chance to watch AMETHYST's old debut teaser, she goes by the stage name K-Ty (pronounced as Katy)."

                "Bakit po hindi sya natuloy?" tanong ko.

                "Nagkaron ng scandal. She was accused of poisoning her groupmate. May naghalo ng glue sa drink ng isang member and the glue tube was found in her bag. Swear to God, hindi magagawa ng anak ko yun. Some refused to believe, some did. And during those times, si Kayzer lang ang inaasahan nyang makakapagcomfort sa kanya.

                 Hinayaan namin syang pumunta kay Kayzer but when she get back, nalaman na lang namin na iniwan na din sya." Mrs. Yang was crying so hard this time. 

"Nagmakaawa ang anak ko, ilang beses naming nawitness how whe begged for him to comeback to her pero lagi syang narereject. Even Kayzer's parents rejected her. Since then never na syang umiyak in front of us. The company still want her for the group despite all the issues, but her dad already decided to pull her out. At the first place nawalan na din sya ng focus, wala na yung concentration nya during rehearsals.

                To save her from another rejection, iniuwi na namin sya dito and from then, we never see her smile again."





               Nasa bahay na ako hindi ko pa din makalimutan yung mga kinwento ng mommy ni Kristen. 

Like who the hell is capable of poisoning someone? Si Kristen? No! Never ako maniniwala. Kahit masungit yun, nararamdaman ko na hindi nya magagawa yun. 

At yung Kai na yun, tanga sya na pinakawalan pa nya si Kristen. Saan sya makakahanap ng babaeng ganun kaganda at katindi kung magmahal na kahit ipagtabuyan nya, sige pa din ang effort para maiparamdam sa kanya na mahal sya. 

It's that bastard's lost not Kristen's.

               I got up from my bed and decided to start reviewing for the midyear exams.

Pagbukas ko ng bag ko, nakita ko yung pinamigay na copies ni Eid, yung nanggaling kay Kristen. Ano naman kaya 'to? Basta ko na lang kasi nilagay sa bag ko pagkaabot sakin nitong folder. Savior daw si Kristen dahil dito. Pagbuklat ko nakalagay POINTS TO REMEMBER

Reviewer? I scanned the pages, summary ng mga inaral namin these past 4 months, it has abbreviations and keywords para mas mabilis matandaan. 

Ayos ah. Mas sisipagin ako mag-aral nito kaysa magbasa ng mga libro.

               So si Kristen gumawa nito?

               SAVIOR talaga sya.^______________^

My Mystery GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin