DEAL!

3.9K 82 4
                                    

[a/n: sorry po. boring ang chap na 'to. hehe. babawi na lang po ako sa next. like (kung gusto), comment and papromote na lang po ng story. maraming maraming salamat po. ^________^ @kaminari1007 ansave ng fuji apple way ng pagbablush, sa'yo ko natutunan yun. haha.XD]



KRISTEN'S POV

                Friday, mid-year exam na next week. Sumama sakin si Jung dito sa library, magrereview din daw sya.


                Oh-em-gee! They're together na naman.


                Lagi na lang silang magkasama.


                Nakakainggit naman si Kristen.


                Ano naman ikinaiinggit ng mga 'to sakin eh halos hindi na nga ako makapag-aral. Ito kasing lalaking 'to parang ewan. Lagi syang nakabuntot, kukuha akong libro, kukuha din sya. Kapag isinoli ko, isosoli din nya. Tapos kapag nagbabasa ako, titingnan nya ako. Kapag naman tumingin ako sa kanya, kunwari busy sya sa pagbabasa.

                "May sasabihin ka ba???!!!!" medyo napalakas ang boses ko kaya.......

                "QUIET!" pagsaway sa akin ng university librarian.

                "Quiet daw." pabulong lang pagkakasabi ni Jung pero may himig ng pang-aasar.

                "Bakit ka pa kasi sumama dito?"

                "Magrereview kaya ako." Pinakita pa nya sakin yung librong hawak nya.

                "Nang nakabaligtad?" 

                "Kanya-kanyang trip yan. Walang pakialaman."

                "Kung wala kang matinong sasabihin, umalis ka na. Nakakaabala ka eh. Alis. SHOO!"  tinutulak ko sya paalis sa silyang inuupuan nya.

                "I SAID QUIET!"  ikalawang saway na sa amin ng librarian.

                "Hush! Ang ingay mo kasi eh. Hahahahaha."

                "What do you want ba?"

                "Birthday ni Reesh next week, punta tayo."

                "Mid-year exam na next week, pagpaparty pa yang nasa isip mo."

                "Monday at Tuesday lang naman yung exams eh, Friday yung birthday nya...."

                "At talagang sure na sure ka na maipapasa mo kaagad?"

                "Syempre, may tiwala ako sa'yo eh." Sabay kindat sakin.

                "HOY! HINDI KITA PAKOKOPYAHIN NOH!" ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa kindat na yun kaya napataas ang boses ko.

                "Ms. Yang, Mr. Jung, kindly leave the room. Nakakaabala na kayo sa iba pang nag-aaral."

                Pahamak talaga ang lalaking 'to.Napaalis tuloy ako sa library kasama nya. May pakindat-kindat pang nalalaman kanina, tusukin ko kaya ng ballpen ang mata nya. Ito namang pisngi ko bigla na lang nag-init, tapos yung puso ko biglang bumilis yung tibok. Nakakaasar talaga. What are you doing to me?

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now