Our Connection

5.6K 90 5
                                    

                Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kwarto ni Zia,  ang 13 y/o kong kapatid na addicted sa Kpop. Patunay ang nakakahilong dami ng Kpop merchandises na nakadisplay sa kuwarto nya. 

                Naabutan ko pa syang nakadapa sa kama nya, kaharap ang laptop. Hinagis ko sa kama ang paper bag na may lamang mga albums. Nakuha ko naman atensyon nya. Mahirap kasi syang abalahin kapag nagbabasa ng mga Kpop articles.

                "Oppa, ano 'to?" tanong nya habang binubuksan yung paper bag. "Wow! Full-length album ng SPADE. Thanks kuya." Pagkakita nya naman ng isa pang album, "AMETHYST?! Ayaw ko nito." at ibinalik nya sa paperbag.

                "Wae?" tanong ko. Malapit naman ang loob nya nuon kay Tanya, sa ex-girlfriend ko.

                "Hindi naman nakapagdebut sa AMETHYST yung favourite member ko eh." nakanguso nyang paliwanag. "Bakit mo ba ako binigyan ng mga 'to Oppa?"

               

Umupo sya sa kama at binuksan ang album ng SPADE. Ipinakita nya sa akin bawat photocards ng mga members nito. 

"So nagdebut ang SPADE a year and a half ago. Nakapagrelease na sila ng 2 mini-albums at 1 full length. Lahat ng mga albums na yun nagtop sa mga music charts sa South Korea, ilang weeks din yun. Greatest achievement nila so far is winning the Best New Male Group last year sa Mnet Asian Music Awards." napatanga na lang ako sa kapatid ko, ang dami talagang alam nito.

                "Dun tayo sa mga members." 

                "Atat ka Oppa? Members ng group sina Stephen (leader), Juno, Kai (maknae), Leo at Boom." ipinapakita nya sakin bawat pictures ng member habang binabanggit ang mga pangalan nila. 

Kai pala ang pangalan ng kumag na ipinalit sa akin ng ex ko. 

                "Ang alam ko kuya, alumni ng MVH si Kai." si Zia.

                "Si Kai?"

                "Oo. Wait..Hmmmm.. Kai... Kayzer... Kayzer Hwang. Yeah, tama Kayzer Hwang ang real name nya."

                Hinila ko kay Zia ang photo card nung Kai. "Pahiram sandali ah." 

Pumunta kaagad ako sa kwarto ko , binuksan ko yung year book at kinumpara ang picture ni Kai at ang grade school picture ni Kayzer Hwang. 

Kaya pala sya pamilyar..... Iisang tao lamang sila.

                SOLVED! Ang mystery sa katauhan ng recipient ng mga envelopes, si Kai ng SPADE a.k.a. MVU alumni Kayzer Hwang.

Ano naman kayang significance ng gagong yun sa buhay ni Kristen?






                Wala kaming last period class ngayong araw ngunit sa halip na maagang pumunta sa dance studio, nagpalipas oras muna kami nina bugoy sa classroom. 


Sina Dave, Alex at Stan? Hayun, nagkukwentuhan na naman. Daig pa nila ang mga babae, hindi nauubusan ng pag-uusapan. 

As usual si Eid naglalaro, sa iphone nya this time.

Ako? Eto busy pa din sa pagkilala kay Sungit. Nabisita ko na yata lahat ng SNS (Social Networking Sites), wala pa din akong makitang kahit isang account nya. 

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now