Chapter 40

2.8K 48 2
                                    

KRISTEN'S POV

"Dito ka muna." Zac.

Sa wakas ibinaba na din ako ni Jung sa buhangin sa tabing dagat. Ayaw na yata ako nito paapakin sa lupa simula nang makauwi kami sa rest house.

"Kukuha lang ako ng juice sa loob. Huwag kang aalis dyan. Baka lumala yang sprain mo."

"OA lang? Simpleng sprain lang naman 'to, it's not as if naputulan ako ng paa." reklamo ko sa kanya. Lagi nya na lang kasi nya akong binubuhat kahit san ako magpunta.

"Hush. Wag nang matigas ang ulo okay. Babalik agad ako."

Parang baliw talaga 'to. Ilang beses pa kasing lumingon para makasigurong hindi ako umaalis na kinauupuan ko. Napangiti na lang ako. Kinikilig? Oo na, kinikilig na ako.

"Ouch!" daing ko. May tumama kasing bola ng volleyball sa ulo ko.

Nilingon ko ang pinaggalingan ng bola, nakita kong palapit sakin ni Stan.

"Tin sorry."

Ibinato ko pabalik sa kanya ang bola, nasalo naman nya. Sayang! Panira din kasi 'to ng moment.

Akala ko babalik na sya sa pakikipaglaro kina Eid pero mas pinili nyang maupo sa tabi ko.

"Himala, naghiwalay kayo ni bugoy."

"Hindi naman kami katulad nyo ng mga GIRLFRIENDS mo na segusegundong magkadikit."

"Isa lang ang girlfriend ko noh."

"Isa lang ang kasama mo ngayon, I bet may mga naiwan ka pa sa Manila."

"Wala noh, isa lang talaga. Si Khloe lang."

"Wae? Don't tell me naubusan ka na ng karisma sa katawan."

"Ganyan ba talaga ang tingin nyo sakin? Hindi pwedeng maging stick to one."

"They didn't call you ZSADE's LOVERBOY for nothing."

"Well, you don't know me that well kung ganun. Naniniwala ka sa mga nakikita mo lang."

"What do you mean?" I asked him. Para kasing may laman ang mga sinasabi nya.

He sighed before answering.

"I think I already found her."

"Found who?"

Lumingon sya sa isang direksyon, sinundan ko naman ang tinitingnan nya.

"Si Khloe?"

"I love her."

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now