Chapter 74

1.6K 29 1
                                    

KRISTEN’S POV

Done with the final rehearsal for tonight’s live show. I went straight to our team’s dressing room to get my hair and make up done.Pero bago pa ako makaupo sa harap ng makeup table, dumating si Yam and excused me for a while. He ushered me papalabas ng dressing room at dinala ako sa sa parking area ng events hall nang hindi man lang nagsasalita. Basta tuloy tuloy lamang ang paglalakad namin habang hawak hawak nya ang kanang kamay ko. Nang makarating na kami sa parking, medyo nagulat pa ako nang kabigin nya ako at yakapin. Yung yakap nya sobrang higpit na parang ayaw na nya akong bitawan. Tila nakasalalay sa akin ang buhay nya, na kapag kumawala ako, manghihina sya. Maya maya’y naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko. SInubukan kong iangat ang ulo ko para makita kung saan ito nanggaling pero mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Then he planted a soft, quick kiss on the temple of my head.

“5 minutes pa please, bago tayo bumalik sa reality.”        bulong nya.

“Yam, is there something wr....”

“Please...”           putol nya sa sasabihin ko.             “5 minutes lang.”

Hindi na ako nagsalita at niyakap na lang din sya.

“You’re my life now.”

Hindi ko napigilan ang maluha sa narinig ko mula sa kanya. Noon sumasagi sa isip ko na parang mas mahal ko si Zac kaysa sa mahal nya ako, masyado ko palang minaliit ang bugoy na ‘to.

“Hey, I have a surprise for you.”                                sabi nya sa akin makalipas ang limang minutong hiniling nya.

Excited nya akong hinila sa kabilang parte ng parking area kung saan nakatigil ang isang white Coaster van.

“This is my surprise?”                     I punched him on his chest.         “Sa pamilya namin ang Coaster na yan eh.”

Natawa sya sa naging reaksyon ko. Maya maya’y automatic na bumukas ang pintuan ng sasakyan.

“Get inside.”                      sabi nya.

Umaakyat kaagad ako like he said. Parang lumukso ang puso ko nang makita ko silang lahat sa loob. Sina Best (Reesh), Alex, Dave, Stan, Lei (Eid), Ate Tori, Ate Tia, Ate Tracey, Zia, Ate Zhy, Tita Zaida pati si Stephen na kapatid ni Stan and Axel with his bandmates present din.  Lahat sila nakasuot ng shirts na may nakaprint na “Team Kristen” at may mga dala pa silang balloons, tarpaulins, banners at LED lightsticks. Maging sina Hana at Cara parang kasama na din namin through Alex and Dave’s iPads. They were all screaming and cheering for me, hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi nila.

“Thank you guys. This means a lot to me.”

 “Baby/Princess.”

Automatic nang tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang magkasabay na pagtawag sa akin nina Mommy at Daddy.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now