Dati

1.9K 34 2
                                    

KRISTEN'S POV

"Oh crap!"

I checked my wristwatch, only to get more tensed, 15 minutes na lang kasi at malelate na ako sa practice. May tinapos pa kasi akong report for our lab experiment sa school. Sa sobrang pagod kasi nakatulugan ko nang gawin kagabi, 5pm this afternoon ang binigay na deadline buti na lang umabot ako.

"Manong, wala na po bang ibibilis 'tong kotse natin? Malelate na talaga ako eh."

Bahagya kong narinig ang mahinang pagtawa ng driver ko.

Mukha na siguro square root ang mga kilay ko kaya natawa sya. Ramdam ko halos magkadidkit na sila.

"Alam nyo Miss Tin, sa tagal ko kayong ipinagdadrive, ngayon ko lang narinig na nagaalala kayong maging late. Ano nga po yung lagi nyong dahilan dati, 'A princess is never late. Everyone else is simply early.'."

Natawa ako sa tinuran ng driver ko. Namemorize nya na talaga ang famous line na nakuha ko sa....

"Princess Diaries." dagdag pa nya.

Oo nga noh, pero dahil hindi pa naman ako Queen, Princess ang term na ginamit ko the way na tawagin ako ng daddy ko noong bata pa ako.

"Araw-araw nyo pa nga pong pinapanuod ang pelikulang yun dito sa kotse eh."

Napangiti ako sa pagbabalik-tanaw ng driver ko.

That's additional information for everyone on how I spent my childhood. I watch Disney movies only in our car. Pagdating kasi sa bahay I need to study na then rest, no time for tv.

"Manong, sa tingin nyo po ba malaki na ang pinagbago ko sa ilang taon na paninilibihan nyo sa pamilya namin?"

"Oo naman po lalo na po noong dumating sa buhay nyo si Sir Pogi."

"Sir Pogi?"

"Opo, si Sir Zac. Madalas na po kayong ngumingiti, yung totoong ngiti hindi na na kagaya dati na pilit. Ngayon po ngumingiti kayo dahil masaya kayo hindi dahil inaasahan lang ng iba. At tsaka po sobrang boring ng buhay nyo dati, literal na school-practice-bahay lang. Pero ngayon, pumupunta na kayo sa bahay ng mga kaibigan nyo, tumatambay sa mall, nagpaparty. Ginagawa nyo na po ang normal na gawain ng mga kaedad nyo. Masaya nga po kami ng iba pang mga kasambahay nyo sa naging pagbabago nyo. Hindi na lang kayo ngayon basta maganda, masaya pa. Sana palagi kayong ganyan Miss Tin. Sabi nga ng dalaga kong anak, 'The happiest girls are the prettiest.'. At sana po magtagal kayo ni Sir Pogi, alam po kasi namin na sya ang nagpapasaya sa inyo."

Nakababa na ako ng kotse pero napapangiti pa din ako sa itinakbo ng usapan namin ni Manong. Botong boto lang kay Yam. Haha.

Ngayon ko lang narealize na malaki din pala ang naging impact sa kanila ng mga actions ko. Hinulma ko ang sarili ko na maging perpekto pero mas minahal nila ako nang naging totoo ako sa sarili ko. Totoo nga pala talaga na people were not born to impress, they are born to express. I'll keep that in mind. Thanks Manong.

I check again my wristwatch. Whew! I still have 5 minutes to change my clothes. I run rightaway to the locker room.

I was about to put on my sweat shirt when my phone rang.

****Incoming Call : Yam

"Hey!" ako.

"Hey I love you...." pakanta nyang sagot sa akin.

"Tse! Babe yun."

"Eh si Eid yun eh." reklamo nya. "Hoy Hitler! Palitan nyo nga tawagan nyo ni Reesh, ang baduy."

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now