Granny

3K 58 3
                                    

KRISTEN’S POV

                On the way back to the hospital where granny’s confined.  I haven’t talked to Jung since hilahin ako ni Daddy palayo sa kanya last night. Nagkasagutan pa nga kami kasi he’s insisting na nabangga ng kotse ni Jung si lola kahit sinabi na ng doctor na dahil sa pagod sa byahe kaya nawalan sya ng malay. Nagkataon lang na dumaan si Jung kung saan hinimatay si lola at naabutan ni daddy na buhat buhat sya ni Jung. Matigas kasi ulo ni Daddy, hindi yan makikinig unless si lola ang magsasabi sa kanya. Sana lang gising na si lola.

                Nauna na akong pumasok sa hospital roo. Napahinto ako sa pagpasok nang makita kong may kausap si lola, nakatalikod sya sa pinto but I can clearly recognize him from the back. Hawak-hawak pa ni lola ang right hand nya while they were talking ang laughing. Napangiti pa ako upon hearing his laughter, sounds like music to my ears.

                Oh my! Kelan pa ako naging mushy?! Super cheesy naman ng sinabi ko. Pero... Basta.... I love hearing his husky, sexy voice. PERIOD!

                “Young lady.”

                Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni lola. She’s used to calling me that way rather than my name. Lola was a bit formal kasi when she talks to me. I stiffened at first but when Jung turned his gaze on me, my heart skipped a beat. Last night lang nang huli kaming magkita pero miss na miss ko na agad ang mukha nya. Ang ‘gwapong’ mukha nyang palagi na lang nyang ipinagmamalaki.

                “Tin, bakit hindi ka pa.......” si Daddy papasok na din sa room . Nakaharang pa kasi ako sa pintuan.

“HEY YOUNG MAN, WHAT ARE YOU DOING HERE?!” biglang sigaw ni daddy nang makita si Jung.

Dali-dali nya nilapitan si Jung at hinablot palayo kay lola.

                “Malakas din naman talaga ang loob mo na magpunta pa dito ano?!” sabi ni Daddy habang hawak hawak sa collar ng damit nya si Jung.

                “Appa!” ako.

                “Marcus!” si Mommy.

                “Young Master Marcus, I’m ordering you to get your hands off of Mr. Zandro Jung.” malumanay na utos ni lola.

                “ZANDRO???!!!!!” ako, si Mommy at si Daddy.

                Di ba Zacahary ang pangalan ni Jung? Who the hell is Zandro? Baka naman hindi ‘to si Jung, baka ibang tao ‘to? May kakambal si Jung? Wala naman sya pati sina Zia na naikwentong kakambal ni Jung? Long lost brother kaya? Argh! Nakakapraning.

                “Come here Zandro.”

                “Lola, Zac po. Kayo talaga, sa sampung beses na binanggit nyo ang pangalan ko, labing-isang beses kayong nagkamali.”

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now