MYSTERY SOLVED! (Finale Part 2)

3.4K 81 16
                                    

KRISTEN'S POV




"Kaye... Kaye... Hui.. Pansinin mo naman ako oh..." pangungulit sakin ni Kristina.



Ibinaba ko ang binabasa kong libro at tamad na tamad na lumingon sa direksyon nya.



"Bagay ba?" tanong nya at ipinakitang muli sa akin ang ika-pitong damit na isinukat nya magmula nang magising kami kanina bandang alas-otso ng umaga.



"Uhm." maikli kong sagot. Kahit ako hindi sigurado kung oo o hindi ba ang isinagot ko. Ibinaling ko na lamang muli ang atensyon ko sa librong kunwari'y kaninang ko pa binabasa, pero sa totoo lang hindi pa din ako nakakaalis sa unang pahina.



"Teacher Kaye, wag ka nang magtampo. Promise kapag hindi kami click ni Zac, irereto kita sa kanya." biro nya sakin.



Niyaya kasi syang lumabas ni Zac noong nakaraang araw na bumisita ito sa school.


HIndi ko maiwasang makaramdam ng inis sa tuwing naaalala ko ang napakabilis na pangyayaring iyon. Nagklase lamang ako ng isang oras, pagbalik ko ay parang nagkapalagayan na sila ng loob. Nagkasundo na silang magkikita ngayong day-off namin sa trabaho.



Makalipas ang ilang minuto, nakarinig na kami ng mahihinang katok sa pintuan.



"Kaye please, ikaw na ang magbukas ng pinto. Finishing touches na lang 'to promise." pakiusap ni Kristina at muling umupo sa harap ng dresser para i-retouch ang make up nya.



Bahagya akong nakaramdam ng excitement nang maisip ko na ako ang mauunang makakakita sa gwapong mukha ni Zac ngayong araw na ito.



Pasimple kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto. Hindi naman gaanong lukot ang suot kong pambahay na damit at maayos pa din naman ang pagkakasuklay ng aking buhok.



Pagbukas ko ng pintuan para salubungin si Zac, hindi lamang sya ang nakita ko. Maging si Rye ay dumating din, nabigla pa ako ng hinalikan nya ako ng mabilis sa pisngi.



"Good morning girlfie." bati nya sakin, yung mga mata nya nagsasabing sumakay na lang ako. "I brought you breakfast."



"Wow, thanks." ang tanging mga salitang lumabas sa bibig ko.



"Anything for my girlfie." sagot naman ni Rye.

My Mystery GirlOn viuen les histories. Descobreix ara