A Day Before Prom Pt.2

1.5K 34 0
                                    

ZACHARY’S POV

Magkakasabay kaming lumabas ng boutique, sumakay na silang apat sa van pero nanatili lamang akong nakatayo sa labas.

I clench my fist, breath in and try to calm myself down. Shit! Hindi ko kaya. Nanginginig talaga ako, sa galit, sa selos. Hindi ko na nga nakakasama madalas ang girlfriend ko, ganoon pa ang mapapanuod ko. Gago talaga ang Kayzer Hwang na yun, bantay-salakay.

Makalipas ng ilang minuto, sumakay na din ako at isinalampak ang sarili ko sa silya. Siya namang pag-abot sa akin ni Alex ng isang stress ball.

“Ano ‘to?”           tanong ko.

“Obvious ba, stress ball.”              Alex.

“Alam kong stress ball ‘to. Anong gagawin ko dito?”       

“Kapag hindi nawala ang inis mo sa pagpisil dyan, ibato mo na lang kay Kayzer.”                  pakwela nyang sagot sa akin.

Pero dahil sa sinabi nyang yun, alam ko na ngayon ang dapat kong gawin.

“Kuya, pakidaan ako sa 12th avenue.”      sabi ko sa driver.

“Anong gagawin mo dun?”          Eid.

Hindi simpleng tanong ang tono nya kung hindi naghihintay lamang sya ng kompirmasyon sa balak kong gawin.

“May mga gusto lang akong malaman, kakausapin ko lang sya.”

Matiim nya akong tinitigan at parang binabasa nya sa mga mata ko kung totoo ang sinasabi ko. Pagkuwa’y sumandal na ulit sya sa kinauupuan nya.

“Bumalik ka kaagad sa dorm pagkatapos, baka hanapin ka ni Manager Kwon.”

Saktong pagkababa ko sa 12th avenue kung saan na nakatayo ang WAVE building, lumabas si Kayzer. Wala nang mga tao sa paligid dahil gabi na kaya nag-iisa na syang naglakad papunta sa parking area na kinaroroonan ng kotse nya. Nilapitan ko sya.

“Hwang.”            

Lumingon sya pinanggalingan ng boses at doon ka sya sinuntok. Alam kong taliwas yun sa kasunduan namin ni Eid pero hindi ko talaga napigilan. Sa tindi ng galit kong ibinuhos ko sa isang suntok na yun, napaupo sya sa sahig.

“What the f*ck...”           napamura sya sa ginawa ko.

Tumayo sya kaagad para bumawi pero nang makilala nya ako, binigyan nya lang ako ng isang nakakalokong ngiti.

“It’s you.”            panimula nya.                    “I’ve been waiting for this.”        dagdag pa nya habang nakahawak ang isang kamay sa panga nya na tinamaan ng suntok ko.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now