Chapter 70

1.5K 32 0
                                    

KRISTEN’S POV

Kakatapos lamang ng rehearsals namin para sa live show bukas nang makatanggap ako ng text message mula kay Zia. She’s asking me to come over their house, magpapatutor daw sya sa akin kasi she’s been struggling with some subjects.

“Toffy, mauuna na ako ha. Ingat kayo ni Jea paguwi.”                     paalam ko kay Toffy na inabutan kong naghihintay na sa labas ng girls’ locker room.

“Sure. You too.”

I began typing a text message for Yam habang naglalakad sa hallway.

To: Yam <3

Be tutoring Zi 2night, won’t be able to meet u. Mian. be home safe okay? Luv U.

Sent.

Tatakbo sana ako para habulin ang papasarang pintuan ng elevator sa dulo ng hallway nang mapansin kong live On-Air ang radio studio ng Quest Training Center. Dito talaga sa Quest, mahahasa ka sa lahat ng entertainment fields. Kulang na nga lang pati sa news casting i-train ka nila eh.

Hindi ko napigilang sumilip sa malaking bintana ng studio.

Maririnig kasi dito sa labas ang boses ng dj through the speakers na nakaset-up dito pero ang loob mismo ng studio ay sound proof, walang ingay mula sa labas ang maririnig sa loob.

Si Bree~unnie pala ang dj ngayong gabi kaya pala nagmamadali syang umalis kanina matapos ang rehearsal. Hindi na nga sya nakapagpalit ng damit, nakatraining clothes pa sya at dumiretso nang sumalang sa radio show. Si Bree~unnie nga pala ay ang leader ng isa sa mga legendary groups ng Quest at tumatayong mentor namin habang nagtetraining kami nina Jea at Toffy dito sa Quest.

Makalipas ng ilang minuto ay tinawag na nya ang mga guests nya para magperform. Laking gulat ko nang makita ko si Stan, hindi sila magkakasamang magtraining nina Yam? Pero bakit? May tampuhan na naman ba sila? Wala namang naulit sa akin si Yam o ang kahit na sino sa kanila ah.

Nawala ang pagkagulat ko at napalitan ng excitement nang tumayo at lumapit sa mic stand si....

Totoo ba ‘tong nakikita ko?

Hindi ba ako nananaginip?

Si.... Liam.

The Liam Zhang.

The man with the amazing vocals.

The great Chinese musician, who can create beautiful melodies by just sitting in front of a piano.

The good looking Liam, who has those soft eyes and beautiful smile.

I can’t believe I’m seeing him again in flesh.

Grade school pa yata ako noong una ko syang makita. Hindi pa ako trainee ng WAVE that time. Napanuod ko sya sa isang gala show ng Quest, he was the youngest trainee that time. He’s ahead of me by only 2 or 3 years pero pakiramdam ko dekada na ang pagitan namin when it comes to talent and performing. He became one of my inspirations and I always dreamt of singing with him on stage, or kahit makaharap at makamayan ko man lang sya. Kung pwede nga lang magapply na p.a. nya, I’ll be more than willing to be one. My fangirl dream. Ang swerte naman ni Stan, makakaduet nya sya.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now