A Day with the Jung's (1)

3.6K 66 10
                                    

[a/n: friends, eto muna last UD ko for this weekend. pasensya na, 2 chaps lang ang nakayanan iencode, napasarap ang tulog eh. hehe. so weekend na ulit. sana agustuhan nyo. promote, vote & comment po kayo ah if like nyo. thank you. mwah!


this chap is dedicted to @ynacabigan, hope you like this chap din. thank you sa support ah. God bless you chingu(friend).:))]

ZAC’S POV

        

Nagising ako nang maramdaman ko ang malambot at mamasa masang bagay na dumadampi sa pisngi ko.

Oh wag malisyoso, ginigising lang ako ni Meonggu, yung alaga kong aso. Parang alarm clock ko ‘to eh, alam nya kung anong oras ako dapat gisingin.

[a/n: Meonggu's photo on the side. Real life pet po sya ni Kim Jong In a.k.a. EXO Kai a.k.a. Zachary Jung. hehe Oh di ba, exposure.]

            “Goodmorning Meonggu.”

Bumangon na ako, nagayos ng sarili at nagpunta sa kusina.

Balak ko kasi magluto ng breakfast. Special kasi ang araw na ‘to. Alam nyo ba kung bakit? Hindi nyo alam? Weh? SLOW! Haha.

Nagulat ako nang pagpasok ko sa kusina nadatnan ko na sina Mommy, Zia at mga maids na busy nagluluto. Naunahan nila ako. Ang saya pa ng ambiance ha.

            “Good morning oppa!” si Zia.

            “Good morning Zi. Goodmorning Ma.” I kissed their cheeks. “Aga nyo nagising ah.”

Every Saturday kasi past 9am na nagigising ang mga tao dito sa bahay pero ngayon 6 am pa lang, taas na ng energy sa bahay..

            “We know special sa’yo ang araw na ‘to oppa.”

            “Special yung araw o special yung taong nasa bahay ngayon?” Mommy on her teasing voice.

Mukhang nakwentuhan na ‘to ni Zia, tiningnan ko si Zia for confirmation. Nagpeace sign naman sya sakin.

            “Sorry oppa, naexcite lang ako. Ngayon ka lang kasi naguwi sa bahay ng girlfriend. Oh. Di pa pala girlfriend, liligawan pa lang. Teka kuya, nagpaalam ka na bang manliligaw ka sa kanya? Kung hindi pa, oh my, you’re so slow talaga.” sunod sunod na banat ni Zia.

Nagkatawanan tuloy sina Mommy at yun mga maids. Sarap kutusan ng batang ‘to.

            “Zi stop that. Baka mapikon si Kuya Zac mo. Binubuking mong natotorpe sya.” dagdag pangasar ni Mommy. Inaalagaan din ako nito eh, alaga sa kantyaw.

Hindi ako torpe noh, HINDI! Ngahihintay lang ako ng tamang timing. Baka hindi pa sya ready eh, mahirap na.

My Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon