Getting Closer

4K 78 4
                                    

The next day.... Argh! Ano ka ba Zac? Magdadala ka ba ng lunchbox o hindi? Eh gusto ko sya makasabay ulit maglunch. Pero para naman akong pre-schooler, may packed lunch. Malay mo ipaghanda ka ulit ni Tita Kathy ng lunch. Eh paano kung hindi? Eh di bumili ka sa cafe at iakyat mo sa rooftop. Oo nga noh?! Sige na nga magpapaka-assuming na ako, sana talaga may padala si Tita.

                Pagdating sa classroom, nakaupo na si Kristen sa seat nya. Ngumiti ako sa kanya, nagbow naman sya slightly. Naks. Improving! Teka yung lunchbox, sana meron. Sa ibabaw ng armchair, WALA. Tiningnan ko pa din pati sa ilalim pero WALA.

                “Bugoy, anong hinahanap mo?” Alex.

                “WALA.” naupo na lang ako at nagreview. Bakit naman kasi walang hindi ako maintindihan dito sa reviewer na ‘to. Eh di sana kung meron, magkakaroon na din ako ng excuse para maka-usap si Kristen. Naman eh.

                Lunch break na, hopeless. Wala talagang lunchbox para sakin. Pagtayo ko saktong dumaan sa tabi ko si Kristen.

                “Rooftop.” sya. Pabulong lang nya sinabi pero syempre narinig ko at gets ko na kung bakit. Kayo ba gets nyo na? Hehe.

                “Hoy bugoy, saan ka pupunta?” Eid.

                “Anong meron?” Dave.

                “Anong sinabi sa’yo ni Tin?” Alex.

                “WALA!” ako. Naglalakad na ako palabas ng classroom nang lingunin ko ulit yung apat, kabisado ko likaw ng bitukaw ng mga ‘to eh. “WAG KAYONG SUSUNOD.”

                Pagdating ko sa rooftop, nakaupo na ulit sya sa bench katulad kahapon. Yung blue lunchbox nakapatong na din sa inupuan ko kahapon.

                “Dapat binigay mo na kanina para ako na lang nagdala paakyat dito.”

                “Celebrity ka talaga noh?”

                “Ha?”

                “Mahilig ka sa publicity.” nagsasalita sya nang hindi tumitingin sakin. “Aware ka ba na pinaguusapan tayo dito sa MVH because of the lunchbox I gave you yesterday?”

                “Yun ba? Wala lang yun.”

                “I hate publicity now, ayaw ko ng pinag-uusapan ako behind my back. So para walang hassle, dito ko na lang ibibigay yang lunchbox. Good thing mabilis ang pick-up mo a while ago sa classroom. Pinabibigay nga pala yan ulit ni mommy, natutuwa daw sya sa’yo.”

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now