That One Night

4.8K 90 11
                                    

                 Just like those days simula nang makilala ko si Kristen, hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi ko sya nasusundan sa pagpunta nya sa bahay ni Kayzer Hwang. 

So back to my spying, wag naman stalking hindi naman talaga ako stalker eh. Medyo delikado pa ang daan papunta sa subdivision, mahirap na baka mabastos sya, lagi pa naman nyang suot ang uniform ng MVH, mini-skirt pa naman yun.

                 Pero unlike the usual, kakaiba ang nakikita ko ngayon. 

Si Kristen may kausap na maid sa harap ng gate ng bahay. Pinipilit nyang tanggapin ng maid ang envelope, yung maid naman parang nagdadalawang -isip. 

Iyak sya nang iyak, naawa siguro yung maid kaya tinanggap na. Sumara na ang gate ng bahay at umalis na din si Kristen. 

Babalik na sigurado yun sa school. 

Paalis na din sana ako pero nakita kong lumabas ulit yung maid, this time madami syang dalang envelopes. At sa halip na kay Kayzer Hwang makarating, basurahan ang tumanggap. WTF! Lalapitan ko sana yung maid pero mabilis syang nakabalik sa bahay. 

Gago yung Kayzer Hwang na yun! Ipinatapos pa talaga nya?!

                Pagbalik ko sa campus naabutan ko pa yung driver ni Kristen sa labas ng kotse at may kausap sa phone. Pasakay na ako ng kotse ko para pumunta sa dance practice nang hindi sinsadyang marinig ko yung mga sinasabi nun driver sa kausap nya sa phone. 

Isang kotse din lang kasi pagitan namin dito sa parking area.

                "Maam, wala po dito si Ms. Tin."

                (other like speaking)

                "Nilibot ko na po ang buong campus, wala po talaga."

                (other line speaking)

                "Sige po maam, hanapin ko na lang po ulit si Miss." nag-aalalang ibinaba na nya ang phone, hindi ko na natiis, nagtanong na ako.

                "Excuse lang po manong." 

                "Ano yun iho? Pakibilisan lang, nagmamadali kasi ako."

                "Kayo po ba yung driver ni Kristen Yang?

                "Oo iho, bakit? Nakita mo ba sya?

                "Kanina po. Hindi po ba sya bumalik dito?"

                "Kanina ko pa nga hinahanap eh, nalibot ko na 'tong buong campus. Sino ka nga pala iho?"

                "Kaklase po ako ni Kristen. Nakita ko po sya kanina sa ----- Subdivision. Akala ko naman po dideretso sya dito pagkagaling sa..."

                "Sa bahay ng mga Hwang?"

                "Opo, dun nga po."

                "Sige iho, hahanapin ko muna si Ms. Tin, baka kung ano nang nangyari dun at hindi kaagad bumalik dito."

                "Tulungan ko na po kayong maghanap. Heto po ang mobile no. ko, tawagan nyo po ako kung sakaling mauna kayong makita sya." Nagsimula na akong maghanap. 

Tinawagan ko ang mga kaklase namin baka sakaling nakasalubong nila si Kristen. maging sa ilang establishments malapit sa school ay ipinagtanong ko sya ngunit, failed. Walang nakakita sa kanya.

My Mystery GirlNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ