Getting to Know Pt.2

6.3K 84 0
                                    

                Sinadyang kong agahan ang pagpasok sa university, dumaan ako sa library nagbabakasakaling may mga past year books akong makikita na magiging daan upang makilala ko si Kristen at yung Kayzer Hwang. Halos hindi kasi ako nakatulog kakaisip sa kanila. 

At hindi naman ako nabigo, nakita ko naman kaagad ang hinahanap ko. 

Grade school alumni pala sa MVH si Kayzer at magkaklase sila ni Kristen. Napako ang paningin ko sa mga pictures nila. Lumakas lalo ang pakiramdam ko na nakita ko na silang dalawa nuon, hindi ko lamang maalala kung saan at kailan.

               Malelate na ako kaya hiniram ko na lamang yung year book sa librarian. 

On my way papuntang classroom, nakita ko si Ms. Cute Tour Guide kausap si Kristen sungit.

Kamakailan ko lamang nalaman na ex-girlfriend pala ni Eid si si Ms. Cute Tour Guide.

                "Tin, sige na please...." pakiusap nya kay sungit.

                "Sorry, I really can't. Maybe next time."

                "Okay," disappointed na sagot nung ex ni Eid. Hirap nang hindi alam ang pangalan, ayaw kasi sabihin nung 3 bugoy.





                Sabado, alas-syete ng gabi natapos ang practice ng grupo.  Minabuti naming tumambay muna sa mall. Maaga pa kasi para umuwi.

                "Bugoy napapansin namin, nadadalas yata ang pagiging late mo sa practice natin ah." sita sa akin ni Dave habang nakatambay kami sa isang coffee shop.

                "Oo nga, nadadalas tuloy ang sermon sa'yo ni Reverend Eid. Haha." hirit naman ni Alex na nagpaangat sa ulo ni Eid bagama't busy sa paglalaro sa i-Pad nya.

                "Gusto mong hindi lang sermon abutin mo?" kunot noong sagot ni Eid.

                "Haha. Chill bro." sabi ni Stan sabay pat sa balikat ni Eid at binaling na ulit nila atensyon nila sa akin. "Oo nga bugoy, saan ka ba nagpupupunta at madalas kang late ha?"

                "Ganito kasi yun..." panimula ko pero may nahagip yung mga mata na pamilyar na tao. Parang si Kristen yun ah. "Sandali lang, may titingan lang ako."

                Iniwan ko muna sina bugoy at sinundan ang babae. Tama ako, si Kristen nga. Nakasimpleng t-shirt, skinny jeans at sneakers lamang sya at naka-ponytail ang buhok ngunit lutang na lutang pa din ang ganda nya, lalo na siguro kung hindi sya palasimangot. Ni minsan ay hindi ko pa sya nakitang ngumiti. 

Stalker na yata nya ako. 

Buong linggo ko na syang sinusundan sa pagpunta dun sa bahay ni Kayzer at paglalagay ng mga envelopes. Pati dito sa mall sinusundan ko pa sya. 

Teka, hindi ko sya sinundan noh, nauna pa nga ako dito sa mall, nagkataon lang na nakita ko sya. 

               Pumasok sya sa isang music store at dumiretso sa sulok na puro Kpop albums ang nakadisplay. 

May kinuha syang dalawang albums, one with a pink case and the other one's blue tapos binayadan na nya sa counter at umalis na. 

Nilapitan ko yung pinagkuhanan nya, girl group's AMETHYST & boy group's SPADE albums pala. Fan ba sya nun? I know those two groups; they are popular groups from South Korea. 

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now