Save Me

4.5K 90 3
                                    

Monday na naman. Ganado na naman akong pumasok ngayon. 

Bakit? Wala lang. Hehe. Yung weekend ko? Aish! 

Hindi lang si Manager Kwon ang naging pari, feeling ko nasa seminaryo ako, pati kasi yung apat na bugoy sinermunan din ako dahil sa hindi ko pagdating sa practice ng ZSADE last Friday night, that time nasa bahay ako nina Kristen. 

Katakot-takot na paliwanag ang sinabi ko pero sa mga bugoy ko lang Ikinuwento yung paghatid ko kay Kristen. 



---FLASHBACK---


"WHAT?! PUMUNTA KA SA BAHAY NINA KRISTEN?!" sabay-sabay na tanong ng apat na bugoy, in harmony pa pagsigaw nila.


"Oo nga, inaapoy kasi sya ng lagnat kaya hinatid ko."


"Kailan ka pa naging mapagkawanggawa?" Eid.


"Hatid-sundo yun ng driver nila." Dave


"Wag kami bugoy, anong totoong nangyari?" Alex.


"Sa babae ka lang magaling manloko at magsinungaling, hindi mo kami kayang paikutin." Stan.


Wow ha, mabubuti talaga kayong mga kaibigan, sinabi nyo talagang manloloko ako ng babae. Girls, hindi totoo yun. Hindi naman ako babaero eh, friendly lang. Ano? Wala silang sinabing babaero? Wala ba? Ah.. Eh.. Basta.. Good boy 'to.


"ANO NGA???!!!" in chorus na naman na bulyaw nung apat.


"Pwede ba wag kayong sumigaw? Mababasag ang eardrums ko sa inyo eh." reklamo ko.


"Ano? Magkukwento ka ba o magkukwento ka?!" Eid. Haha! SI Hitler nagpapatawa.


"Oo na, ganito nga kasi yun..." ako. 


At ikinuwento ko na nga sa apat na bugoy ang lahat ng mga nangyari at natuklasan ko patungkol kay Kristen, walang labis walang kulang.


"Tama ang hinala ko, may negative na nangyari kaya sya bumalik." komento ni Eid pagkatapos.


"Anong ibig mong sabihin?"


"Two months after she left for Korea, bigla na lang syang bumalik.  Inisip na lang namin na nagbakasyon lang talaga sya pero at the back of our minds alam na namin na di natuloy pag-debut nya." Stan.


"Ganito talaga sa MVH bugoy, biglang may trainee na umaalis, malalaman na lang na nagdebut kapag napanuod na sa mga music programs. Yung iba nga hindi na tinatapos ang high school basta maka-debut lang." Alex. 


"Pero sa case lang ng ibang companies yun. Alam naman natin na sa Quest Philippines bago ipadala sa Korea, criteria na makatapos muna ng high school." Dave. 

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now