Who's That Girl

12.2K 169 3
                                    

ZAC'S POV


"We're now on the last stop of our campus tour, this will be your classroom for this school year," sabi ng babaeng na-assign para i-tour ako sa bago kong school, transferee kasi ako kaya co-student ko ang nagtour sakin. "I hope you enjoyed my company," dagdag pa nya, giving me an extra sweet smile.

                "Of course, sa sobrang enjoy ko nga parang gusto kong ituloy 'to hanggang lunch break." Itinukod ko ang mga kamay ko sa wall kaya nakulong sya sa pagitan ng mga braso ko. "Game ka ba?"

She was about to answer nang biglang......

                "Hoy bugoy, tama na yan. Pasok na sa loob." sabi ni Stan (Stanley Park) kasabay ng pagbatok sakin bago pumasok sa loob ng classroom.

                "Miss wag ka papauto jan, madami nang pinaiyak yan." patawa-tawang sabi pa ni Alex (Alexander Kim) na kasunod ni Stan.

                "Miss kung ako sa'yo lalayo ako dyan sa babaerong yan." dagdag pa ni Dave (David Choi) na papasok na din sa classroom.

                "Ewan ko sa inyo," sagot ko sa mga bugoy. "So pano, mamaya na lang lunchbreak?" I turned my attention back to my cute tour guide. She smiled to me but before she can give me an answer, dumating si Eid (Eiden Lee).

                "Miss, tapos na yung tour. You can now go back to your class." umaabot sa freezing point ang lamig ng pananalita ni Eid na para bang natakot yung babae at nagmamadali na lang umalis.

                "Bugoy naman, sinira mo yung diskarte ko." reklamo ko kay Eid habang nakasunod sa kanya papasok ng classroom.

                "Don't mess with her okay?" sinamaan nya ako ng tingin.

                "Woah! Relax. Girlfriend mo ba yun at ganyan ka magreact?" 

                "Haha. He wishes." banat naman bigla ni Stan na lalong nagpasama sa timpla ng mukha ni Eid. Kung hindi ko lang nakikitang badtrip na talaga sya, baka humagalpak na ako ng tawa.

                "Kalma lang mga bugoy." awat ni Dave. "Mas mabuti magsi-upo na din kayo."

                Si Dave nakaupo sa 3rd row sa may tabi ng bintana, sa kanan nya si Alex at si Stan naupo na sa unahan ni Dave. Sa kanan naman ni Stan naupo si Eid. Ayos ah, biglang cease fire yung dalawang bugoy at nagtabi pa talaga. Bale may dalawang vacant seat na lang, sa kanan ni Eid at kanan ni Alex. Pinili kong tumabi kay Eid, matalino eh, makakapangopya.

                "Kung ako sa'yo, hindi ako dyan uupo." biglang sabi ni Alex pagkaupo ko.

                "Kapag sa'yo ako tumabi baka bumagsak lang ako sa exams. Haha." pang-aasar ko sa kanya.

                "Ulol! Taken na yang seat na yan." si Alex.

                "So? Kung sino man sya eh di dyan sya maupo sa tabi mo, pahuli-huli sya eh." prente na akong umupo sa silya. "Aray!" bigla na lang akong pinalo ni Eid ng libro sa ulo. "Bakit ba?"

                "Lumipat ka na." si Eid.

                "Oo nga naman, para isang seat lang naman eh." si Dave.

                "Oo na, lilipat na." napabuntonghininga na lang ako habang lumilipat ng silya. Sino ba kasi nakaupo sa silyang yun at talagang bawal paupuan.

My Mystery GirlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz