Chapter 76

1.4K 30 2
                                    

ZACHARY’S POV

“Are you ready?”             I asked Tanya (Anja) who’s sitting right next to me on the passenger seat. All the way from the province hindi sya nagsasalita at nababakas pa din sa mukha nya ang pagaalala.

“I don’t know.”                 sagot nya habang nakatulala pa din sa daan.

“Don’t worry, they’ll understand. She will. Everything will be fine.”

“You think so?”

“Yeah, of course.”           I tried assuring her. Although sa totoo lang, kinakabahan din ako sa pwedeng mangyari ngayong bumalik na kami. Umaasa na lamang ako na may magandang maidudulot ang pagalis ko kasama si Tanya.

“We’re here.”                   sabi ko at inihinto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Lumabas kaagad ako at ipinagbukas sya ng pintuan. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya, nangingiinig ang kamay nya nang tanggapin ito.

Yumakap sya sa akin nang tuluyan na syang makatayo mula sa kinauupuan nya.

“Thank you.”      bulong nya.

I gave her a light pat on her back.

“Let’s go. They’re waiting for us.”

Naglakad na kami papunta sa bahay nila na halos katapat lamang ng bahay namin. Para namang naramdaman ni Tita Annie ang pagdating namin, lumabas sya kaagad kasama si Tito Marcus. Patakbong lumapit sa kanila si Tanya at yumakap nang mahigpit.

“I’m sorry Mom... I’m so sorry.. Dad, please forgive me...”           Iyak sya nang iyak habang paulit ulit humihingi ng tawad sa mga magulang nya.

“We understand. We are truly sorry too.”                            Isang mahigpit na yakap din ang isinukli sa kanya ng mga ito.

I somehow felt fulfilled habang pinapanuod sila. Ito na ang simula ng pagsasaayos ng mga kaguluhan sa pamilya nila.

“Tin!”                    Napalingon kaming lahat nang marinig namin ang boses ni Kayzer.

Yam was standing few meters away from us. Nagpapabalik balik ang mga tingin nya sa amin nina Tito Marcus, Tita Annie, at Tanya. Halo halong emosyon ang nababasa ko sa mga mata nya. Naroroon ang gulat, sakit at pagkalito. Tinangka ko syang lapitan ngunit bawat paghakbang ko papalapit sa kanya, umaatras sya papalayo hanggang sa mawalan sya ng balanse at mapaupo na sa kalsada. Kaagad syang nilapitan ni Kayzer para itayo ngunit pinalis nya lamang ang mga kamay nito.

“Yam / Princess.”             magkasabay naming pagtawag sa kanya ni Tito Marcus.

Doon nagsimulang magunahan sa pagtulo ang mga luha nya.

“Liar.”    ang tanging salitang iniwan nya sa amin bago sumakay sa kotseng dala nya at pinasibad ito.

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now