Chapter 61

1.9K 41 1
                                    

KRISTEN’S POV

“Kpop Star Search 4.”     I told him.

I felt his arms around me somehow stiffened as I mentioned the search’s name, maybe out of surprise.

“Paano ka nakapag-audition?”                   tanong nya.

Nakakapagtaka nga naman kasi magkasama kami the whole day sa university and before nya umalis for their group practice, tapos na ang audition sa school.

“Si Kayzer, tinulungan nya ako.”                I felt his hard breath on my cheek, ipinatong nya kasi ang chin nya sa balikat ko habang patuloy pa ding nakayakap sakin.              “Isinama nya ako sa audition hall and made me sing on stage kahit tapos na ang audition, luckily yung mga judges at staffs nasa backstage pa so narinig nila ako.”

Hindi sya nagsalita, halos limang minuto siguro kaming nanatiling tahimik. Maya-maya naramdaman ko na lang ang mabilis na pagdampi ng labi nya sa balikat ko.

“Gusto mo ba talaga?”                   tanong nya sabay pagkalas ng yakap nya sakin at umupo sya ng maayos sa tabi ko.

“Ha?”

“I mean, ready ka na ba? Handa ka na bang balikan ang dati mong buhay? Balikan ang nakaraan, ang mga alaala ng mga pinagdaanan mo noon, yung masasaya at kahit yung malulungkot. Pati ang mga taong nakasama mo noon, hindi maiiwasan na magkrus ulit ang mga landas nyo. Let’s say Amethyst, they’re under Wave Entertainment which is one of the companies taking part on the search, pwede mo silang makatrabaho ulit kapag ang training camp ginanap sa agency nila.”

Hindi pa man nagsisimula ang search, alam ko na ang magiging takbo nito. Lahat ng pumasa sa auditions, hahatiin sa 3 grupo ng 3 judges from Quest, Wave & Core, the three biggest entertainment companies in South Korea. Every 2 weeks ang pagpapalit ng training camp, if on the first 2 week group 1 will be with Quest, on the next 2 weeks they’ll be with Wave and then Core for another 2. And the top artists of the big 3 will be the coaches of the contestants. They’ll be battling as groups yet be judged and eliminated individually. Eliminations will be done every 2 weeks also hanggang sa isa na lang per group ang matira and go to the finals to compete for the chance to debut with the agency of their choice. Unlike the past seasons na may group category, the 4th season’s looking for a single individual alone, a solo artist who will take Korea and the world by storm.

 Matagal akong hindi nakasagot sa mga tanong ni yam. Alam kong hindi nya ako dinidiscourage, sinasabi lamang nya ang mga maaaring mangyari sa pagbabalik ko sa dati kong buhay. Nakarating na kami sa bahay nila hindi pa din kami pareho nagsasalita.

“Sige yam, papasok na ako sa loob.”        I felt his kiss on my cheek tapos binuksan na nya ang pintuan ng kotse para lumabas.

“Yam!”                  tawag ko sa kanya at dali daling lumabas din ng kotse.                    “Hindi ako sa sasali sa search dahil gusto kong balikan ang mga pangyayari sa nakaraan o ang mga taong naging parte nun. Sasali ako dahil gusto kong simulan ulit buoin ang mga pangarap ko, gusto kong bumuo ng mga bagong alaala at gusto kong ikaw ang kasama ko sa bawat simula ng bagong buhay ko. Tulad ng kasunduan natin noon, we’ll leave the past behind and start anew, together. Sasamahan mo naman ako di ba?”

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now