Obvious

3.7K 74 0
                                    

KRISTEN'S POV

                Incoming Calling.... 0920*******

                "Hello?!" I'm half awake nang sagutin ko ang tawag. Sino naman kaya 'to? Sobrang aga pa ah.

                "Get up. I'll pick you up by 8am sharp."

                Call Ended.



                Huh?! Ano daw? But I'm too tired to think and ended up sleeping again.


                After maybe 15 minuted I heard knocks on my door.

           

               What do they want ba? Groggy pa ako, I don't have any decent sleep since Saturday cause I spent my nights studying for the exam. Supposedly today's my rest day. 


"Come in."

                "Miss Tin." it was Yaya Irene. "Bakit hindi pa po kayo bumabangon? Hinihintay na po kayo ni Sir Boyfriend sa ibaba."

                Sir Boyfriend? Sino naman yun? Eto naman si Yaya kilig na kilig.

                Mayamaya may sumilip na familiar face sa pinto.

                "AAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Yaya close the door!"

                "Sorry Sir Boyfie." sabi ni yaya sabay sarado ng pinto. "Miss bakit po ba kayo biglang sumigaw?"

                "You're asking pa yaya eh tingnan mo naman ang hitsura ko?"  reklamo ko kay yaya.

I haven't brushed my teeth nor washed my face. Sobrang gulo pa ng buhok ko. And on top of that, naka-tank top & shorts lamang ako.

                "Miss, okay lang po ba kayo? Dati rati naman po hindi kayo nacoconscious kahit pa anong hitsura nyo."

                Napatingin ako kay Yaya. Oo nga noh. Dati nga lumalabas pa ako sa garden na hindi pa nakakapagsuklay.

                "Uyyyiiiee... si Miss..." ngumiti si yaya nang nakakalokp. She's teasing me with Jung.

                "Bakit ba kasi nandito yung Jung na yun?"

                "May usapan daw po kayong lalabas ngayon. Kanina pa nga po syang naghihintay, 8am sharp daw po meeting time nyo."

                Wala naman akong natatandaang usapan namin ngayon ah.

                Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago bumaba at paalisin ang lalaking yun. 


                Dali-dali na akong lumabas sa kwarto.

                "Uyyyiiiieee si Miss.. Excited.."

                "Yaya ha."

                "Biro lang po. Sige na po, baka naiinip na si Sir Boyfriend."

My Mystery GirlWhere stories live. Discover now