The Search

2K 41 0
                                    

ZACHARY'S POV

"Okay boys, let's take five."

Sa wakas, naisipan din tumawag ng breaktime ng choreographer namin.

Dali dali ko kaagad kinuha ang cellphone ko mula sa training bag ko,

"O bugoy, what's with the rush?" tanong ni Eid.

"Oo nga, mas inuna mo pa talagang hanapin ang phone mo kaysa uminom ng tubig. Hindi ka ba napagod?" komento naman ni Dave habang umiinom.

Mabuti na lang napansin ko kaagad yung lumilipad na bote ng gatorade na hinagis ni Stan sakin at nasalo ko kung hindi sapol na sapol nito ang mukha ko.

"Sumusobra na kayo mga bugoy ha, inggit na inggit talaga kayo sa kagwapuhan ko."

Nagsilapitan sakin yung apat sa bugoy at pinaghahaplit ako ng dala dala nilang mga towel.

"Ang yabang mo talagang bugoy ka!" Alex.

"Manager Hwang o, hazing!!!!" natatawang sigaw ko.

"Sige, idagdag nyo pa ako ng mga lima pang hampas sa bugoy na yan." sabi naman ni Manager Hwang.

"Aray! Nakakarami na kayo ha." reklamo ko, sya ko namang pagkaalala na tinatawagan ko nga pala si yam.

"Hello? Yam? Hello?"

Aish! She already hanged up. Akala nya siguro missed call lang.

I tried calling her again pero wala nang sumasagot.

Kasalanan 'to ng mga bugoy na 'to eh, hindi ko na nakausap ang girlfriend ko, ang kukulit kasi.

"O bakit ganyan ang tingin mo samin?" Eid.

"Haha. Alam ko na kung bakit atat na atat yan tawagan si Tin." Dave.

"Eh paano nasa Pinas si childhood bestfriend-slash-ex boyfriend." Alex.

Sige, ipagdiinan nyo pa mga bugoy ang pagdating ng maangas na yun.

"And take note mga bugoy, two weeks na din syang nasa MVH para sa audition ng KPOP Star Search." dagdag pa ni Stan at nakipag-highfive pa kay Alex.

Oo, two weeks na, at two weeks na din nyang ginugulo ang girlfriend ko.

Hindi naman kasi nililihim sakin ni yam na araw araw nyang nakakasalubong sa campus si Kayzer, at dahil friendly naman daw ang approach nito kaya hindi nya sya iniiwasan.

"Don't worry bugoy, last day na ng auditions ngayon, mabubunutan ka na ng tinik. Haha." Dave.

My Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon