Episode 4

214 5 0
                                    

Episode 4:


FLAIR



Matapos ang play agad na nagmadali akong magbihis para puntahan si Charlotte. Kakausapin ko na rin siya at isasama sa club room para mapag-usapan namin ang gagawin sa friday ganoon din sa festival. Inayos ko ang suot kung rubber shoes ko bago tumakbo palabas, dumaan na muna ako sa café para bumili ng mineral water.



"Thank you." Ngumiti ako sa kanya at umalis ng café hanggang sa matigilan ako’t bahagyang napaatras.



Nasa harapan ko si Wil. Bumuntong hininga ako’t seryoso siyang tiningnan. Siguro sa kanya ko na lang itatanong kung nasaan si President sila namang dalawa ’yong palaging magkasama sa isawan.



"Ah, nga pala. Si President? Nakita mo ba siya?" Inilagay niya ang kamay sa kanyang bulsa.



"Hmm, hindi. Pero baka dumiretso na siya sa Council kanina. Busy kasi siyang tao." Napataas ang kilay ko.



Itinatanong ko lang naman.



"Ano nga bang pakay mo kay Charlotte? Pagiging model niya lang ba talaga sa dahilan kung bakit lumapit ka sa kanya?" Napakunot noo naman ako. 



"Bakit? Dapat ba may iba pa akong pakay sa kanya? Kung iniisip mo na may balak akong masama kay Charlotte nagkakamali ka." Nakakaamoy talaga ako ng malansa kapag nakakaharap ko siya.



Teka, ganito ba siya dahil gusto niya si President?



"Wala naman. Mabait kasi si Charlotte kaya minsan naaabuso na ’yong kabaitan niya." Napairap naman ako.



"Mr. Lennon, wala akong balak na masama sa kanya. Isa pa akala mo naman boyfriend ka kung makabakod ha." Napaiwas siya ng tingin kaya napatutop ako. "Huwag mong sabihin na may gusto ka sa kanya." Nanlaki ang mata niya’t luminga linga.




"Huwag ka ngang maingay!" Namumula ang buong mukha niya pati na rin ’yong tenga.



Mukha siyang bakla sa totoo lang.




Tumigil ako’t tumapat sa classroom nina Charlotte. Pumunta ako sa council pero sabi ng ibang ssg officer bumalik na raw sa classroom nila. Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ’yon. Walang tao sa classroom maliban kay Charlotte na may kung ano’ng ginagawa. Napangiti naman akong bigla bago siya masiglang nilapitan.



"Hey, I bought you this." Inilapag ko ang mineral water sa desk niya. Hindi siya nag angat ng tingin sa akin kaya naman tumabi ako sa kanya’t bago siya hinawakan sa balikat dahilan para mapapitlag siya’t mapatingin sa akin.



Malapit lang ang mukha namin sa isa’t isa kaya naman kitang kita ko kung paano pumula ang kanyang pisngi. Ngumiti ako sa kanya at lumayo. Hindi na ako magtataka kong magkagusto si Mr. Lennon sa kanya.



"K-kanina ka pa?" Umiling ako.



"Kararating ko lang." Mahinang saad ko. "Is there something wrong?" Umiling naman siya at isinara ang notebook bago inilagay sa kanyang bag at ipinatong ang dalawang kamay sa kanyang desk.


"Ano ’to?" Tinginan ko ang hawak niyang bottled water.


"Mainit ang panahon."


"Don’t spoiled me." Mahinang tumawa siya kaya natawa rin ako.


"Maliit na bagay, nga pala. Isasama kita sa art club para naman makilala mo ang ka-member ko. Idi-discuss ko na rin ’yong gagawin para sa friday and para na rin mapag usapan ’yong sa festival." Ngiting saad ko pero nakatitig lang siya sa akin. "President?" Napakurap naman siya.




She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now