Episode 32

82 3 0
                                    

Episode 32:


FLAIR




"Sigurado ka? Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?"



Umiling ako’t natawa. Natigilan siya kaya naman tumigil din ako. Bakit nga pala ito narito? Hindi ko na ini-expect pupunta siya rito. Nasa loob pa siya ng campus.



"Sabi na sa iyo, mapapatawa kita."



"Ha?"




"Wala. Nga pala, asan mga kaibigan mo? Sina Hailey?" Luminga linga naman siya. "Hindi mo ata sila kasama ngayon?" Humalukipkip naman ako.



"Baka nasa culinary café ang mga ’yon. Eh, ikaw? Bakit ka pala andito? Sino kasama mo?" Takang tanong ko sa kanya.



"Ah, kakausapin namin ’yong Ambassador niyo. Si Senery Monteclaro something." Tumango naman ako.



"Si Serenity Monteclaro." Tumango naman siya.



"Yah, what ever. " Umikot ang mata niya." I am with my team, hinahanap lang din kita kaya ako nagawi rito sa tapat ng building niyo. Balak ko pa nga sanang umakyat para mapuntahan ang department mo." Bigla naman akong nahiya. "I just want to see you lang kasi pampalakas ng loob isa pa ikaw lang naman ang kilala ko rito at 'yung mga kaibigan mo." Mahabang litanya niya.



Maganda naman siya. Super ganda, modelo nga rin ata 'yan e. Matalino rin at talented. Lahat siguro papangaraping maging girlfriend siya pero hindi ko alam kung bakit ako ang trip nito, mukhang hindi naman siya kasali sa pederasyon nina Felix.



"I know I'm pretty but naiilang ako sa mga tingin mo. Baka mag assume akong crush mo na rin ako." Nahampas ko naman siya sa braso kaya tumawa siya.



"Baliw."



"But I'm serious about courting you." I bit my lower lip. "And I don't care if hindi ka pumayag, pumayag na nga si Tito Khain." Napakamot naman ako.



Muli kaming nagkita matapos ang isang taon. Siya pala ’yong binabanggit ni Daddy na anak ng kanyang kaibigan. Una kaming nagkita sa national bookstore, sumunod ay noong nagkaroon ng mini exhibit.



"Hindi lang kasi ako makapaniwala na ang isang kagaya mo ay liligawan ako." Natawa siya ng mahina.



"Why? Hindi halata? Kahit sino naman magkakagusto sa isang genuine girl na katulad mo, maganda na matalino pa. Responsible daughter, everything. Lahat ng katangian na gusto ko sa isang tao nasa iyo na." Hindi naman ako makapagsalita.



Speechless ang tita mo.



"Nga pala nakita ko si Yuki." Tukoy niya sa pinsan ko, "Nabanggit niya na malapit na ang birthday mo." Tumango ako. "May lakad ka ba after school?" Umiling ako. Hindi muna ako pupunta sa restaurant ngayon dahil gusto kong matulog sa condo. Tumingin siya sa relo niya. "Hihintayin kita mamaya, dinner tayo ah." Hinalikan niya ako sa pisngi na ikinagulat ko, "Mauuna na ako. Pupuntahan ko muna ang mga kasama ko sa conference, basta pupuntahan kita sa department mo." Tumalikod na siya sa akin. Nang mawala na siya sa paningin ko ay napabuntong hininga naman ako.



"Huwag kang sasama sa kanya." Napatalon naman ako dahil sa gulat bago napahawak sa dibdib. Tiningnan ko siya ng masama.


"Papatayin mo ba ako?" Tiningnan niya lang ako. Rude.


"Oo, kapag sumama ka sa kanya." Mas tumaas ang kilay ko. "May pupuntahan tayo mamaya kaya naman huwag kang sasama sa kanya dahil kapag sumama ka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo." Paninindak niya pero umiling ako.


She Owns My Lips || (Completed) ||Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin