Epilogue

282 4 0
                                    

Epilogue

CHARLOTTE

Umupo si Shea sa harapan ko. Tumingin siya sa akin at inismiran ako kaya kumunot noo ako, ano na naman bang problema ng bruha na ’to.

"Siguro sa halip na guluhin mo ako rito sa office, bumalik ka na lang sa opisina mo. Wala ka namang matinong dulot dito nakatambay ka lang habang ’yong secretary mo ay ginagawa ang mga dapat na ginagawa mo."

"E, ang boring kasi sa office. Makita ko lang mga paper works nanghihina na ako, napapadasal na lang na sana may anghel na tumulong sa akin." Napailing na kang ako.

Naikasal na ang kapatid niya. Siya, hindi ko alam kung kailan ikakasal, palagi na lang niya akong binubulabog. Daig pa niya ang walang kompanyang pinapatakbo.

"Nasaan nga pala ang anak mo?" Pag iiba niya ng usapan.

"School." Sagot ko bago humarap sa laptop.

"Sino susundo sa kanya? Si Wil ulit?" Tumango naman ako.

"Wala naman na raw siyang gagawin after work . Isa pa paborito siya ni Eclair." Natawa si Shea.

"Hindi ko akalain na magiging ganyan si Wil. Perfect husband." Pumalakpak siya kaya inirapan ko siya bago napailing.

"Busy ka na naman." Nilingunan ko siya. Hanggang ngayon ba wala pa rin ba siyang trabaho?

"Uh, ano pang ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho sa Rim?" Ngumuso lang siya.

"Ando’n naman ang secretary ko, bakit ko pa aabalahin ang sarili ko?" Umirap ako sa kanya. "Ikaw, abalang abala ka lagi kaya nagkakaroon ka na ng wrinkles." I winced.

"Napakatamad mo talaga!" Bulyaw ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

" Maganda kasi ako. Balita ko may bago kayong interior designer na kinuha." Tumango ako sa kanya. "Pogi ba?" Umirap ulit ako.

"Pogi. Hindi ko alam kung lalaki ba ’yon, Shea. Kailan ka pa naging interesado sa pogi?" Umismid naman siya bago tumayo.

"Hindi mo na ako mahal? Ginaganyan mo na ako?"

"Hindi ka na bata. Lumayas na nga lang."

"Ah, nga pala. Peach invite us." Kumunot noo ako.

"Saan?"

"Sa party niya." Tumango ako.

"Susubukan kong makarating."

"Nag-lunch ka na ba?" Umiling ako.

"Kawawa ka naman." I raised my middle finger, "Ay bad. Sige na ibibili na kita. Baka kasi ako ang katayin no'n kapag hindi kita binilhan ng lunch." Napailing ako.

Nagpaalam na rin siya ’di kalaunan para ibili ako ng lunch. Sinapian ng anghel dela guardia niya. Tumahimik naman ang paligid ko kaya itinuon ko na lang ang aking sarili sa pagtatrabaho. Siguro mamaya ko na lang tatawagan si Wilbert para kumustahin.

"Mrs. Charlotte, dumating na po si Architect Salvador." Tumango naman ako.

"Papasukin mo na siya." Tumango naman siya’t lumabas na ulit. Tumingin ako sa laptop ko at tiningnan ang lugar kung saan itatayo ang Pierre Hotel.

"Kumusta ka na?" Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang bagong Architect." Tumayo ako’t inilahad ang palad sa kanya.

"Hindi ko rin akalain na mapapalaki mo ng ganito ang business mo, Charlotte." Ngumiti naman ako.

"Maupo ka muna. Pag-planuhan na muna na’tin ang mga dapat na gawin." Tumango naman siya sa akin.

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now