Episode 25

88 4 0
                                    

Episode 25:


FLAIR



Naghalumbaba lang ako bago itinuon ang buong atensyon sa labas ng bintana. Mainit ngayon, tirik na tirik ang araw at mukhang hindi uulan. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon 'yong babaeng tinutukoy ni Charlotte kaninang umaga.



Isang Salvador? Kung tama ang hinala ko siya ’yong first year college student. Masungit ang isang ’yon. Alam ba ni Peach ’yon?



Malamang. Fiance niya nga eh.




"Ang lalim naman n’yang iniisip mo." Napatingin ako kay Hailey. "Narating mo na ba ang kailaliman ng Pacific Ocean?" Ngumiwi ako't inirapan siya.



"Wala kang practice sa theater?" Umiling naman siya. Sumandal ito sa upuan niya't sandaling natulala kaya napakunot noo ako.



"You okay?" Hindi siya nagsalita. "Hailey?" Tumingin siya sa akin.



"Hinalikan ko si San Diego." Napakurap naman ako. Hinalikan niya si Shea? Ha? Ano raw?




"Ano'ng kalokohan ang sinasabi mo? Si Shea?" Tumango siya. "H-hinalikan mo!?" Hinarap ko siya't hinawakan sa tigkabilang balikat at niyugyug.



"I kissed her in front of him." Natigilan ako, yumuko siya. "I kissed her to hurt him…"I sighed.



"You kissed her to make him jealous?" Tiningnan niya ako. Tinutukoy ko si Carl. Siya 'yong ex ni Hailey. Hindi pa siya nakaka-move on sa lalaking 'yon, alam ko. Nakakausad siya pero hindi pa siya nakakalimutan ang lalaking 'yon.



"N-no." Kumunot ang noo niya. "Napakaingay niya kasi. Kinakausap ko si Carl tapos bigla na lamang siyang lumitaw at inaway ako, hindi ako makatapos ng pagsasalita dahil palagi niyang pinuputol ang sasabihin ko kaya para manahimik siya hinalikan ko siya." Nalaglag naman ang panga ko. Napahawak ako sa aking noo at hinilot ng bahagya. For real?



"Friendship goals." Bulong ko na lang habang naiiling na lang.



After class nauna na si Hailey sa akin. Sina Felix at Marky pumunta sa gymnasium dahil may aattendan na meeting. Hindi naman ako pupunta sa art room dahil wala naman akong sasabihin sa ibang member.



"Hi." Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko si Charlotte. May bitbit siyang tatlong pulang rosas. "For you, beautiful." She smiled at me bago iniabot ang bulaklak sa akin na tinanggap ko naman.



"Akala ko hindi mo na ako pupuntahan." Inayos niya ’yong buhok ko at hinalikan ako sa noo.



"May inasikaso lang ako sa council para sa nalalapit na eleksyon." Tumango naman ako. Sabagay malapit na ang eleksyon. Ngumuso naman ako. "Huwag ka nang magtampo, Flair. Busy lang talaga ako." Tumango naman ako.



"Hindi naman ako nagtatampo. Naiintindihan kita. Council President ka kaya hindi na bago sa akin."


"Mabuti pa sabay na tayong mag lunch." Tumango naman ako.



Lumipas ang mga araw, hindi naman nawawala ang atensyon ni Charlotte sa akin. Busy lang talaga siya pag aasikaso ng mga bagay bagay lalo pa’t nagsisimula na ang campaign. Ang pagkakaalam ko may ilalaban siyang junior na sa tingin niya ay kayang gampanan ng maayos ang tungkulin.



Pumunta ako sa café dahil vacant naman, saktong naabutan ko sina Wil doon na mukhang vacant din kaya nakiupo na lang muna ako sa table nila.



She Owns My Lips || (Completed) ||Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin