Episode 18

92 5 0
                                    

Episode 18:

FLAIR






May umupo sa tabi ko. Tahimik lang siya at may hawak na notebook. Tumingin siya sa akin kaya naman ngumiti ako. Hindi ko siya kilala. She's wearing white polo.


"I'm Flair. President ng art club. Ngayon lang kasi kita nakita." Tipid siyang ngumiti sa akin.



"Isa ako sa mga representative ng college department sa PU" Napatango naman ako.

"Hindi ko alam na may makakasamang student mula sa college department."


"Actually hindi lang naman ako ang narito. Mamaya pa kami, medyo nabo-bored lang ako kaya inagahan ko ang punta rito." Napatango naman ako.



Maya maya pa ay dumating na ang mga ibang officers and representative. Nakinig lang kami sa mga sinabi ng teacher sa unahan.


"Ms. Mendiola? K-kasali ka sa mga representative ng college department?" Tumango siya sa tanong ni Felix. He knows this girl?


"Mendiola?" Tanong ko.


"She's Elyse Ferine Mendiola. First year college na siya." Umiwas naman ng tingin itong si Mendiola dahil sa pagbanggit ng buong pangalan niya ni Felix. "Elyfer for short." Tumango naman ako. Ngumisi ako.


"Ah siya pala ’yon? Ikaw ’yong—" Tinakpang bigla ni Felix ang bibig ko.

"Alin?"

"Wala." Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko.


Lumabas ako ng silid at tumungo sa rest room. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko si Ate Cata kaya naman binalak ko na lang na umalis pero pinigilan naman niya ako.


"Are you avoiding me, Flair?" Bumuntong hininga naman ako. "I saw you... kahapon sa likod ng grandstand with Charlotte Reyes." Hinilot ko naman ang aking noo bago napadako ang tingin ko sa suot niyang ID.


Catalina Faith Luxemburg...



Noong una pa lang ayaw na niya sa apelyido ng aming ama. Ayaw niyang dalhin ’yon kaya sinabi ni Mommy na pinapalitan ’yon ni Ate.



"Kung ano man ang nakita mo sa likod ng grandstand walang ibig sabihin ’yon." She tilted her head.


"It doesn't matter." Natigilan naman ako.

"But—"


"Kung ano man ang nangyari sa past doon na lang ’yon. Hindi na mahalaga ang bagay na ’yon, Flair. Ang inaalala ko lang baka mahulog ka sa taong hindi ka kayang panindigan." Napalunok naman ako.


"Hindi niya naman kailangang manindigan dahil hindi ako mahuhulog sa kanya. Hinihintay ka niyang bumalik." Ngumiti naman siya. "Kung wala ka mang nararamdaman sa kanya at least harapin mo siya’t kausapin." Umiling siya.



"Wala namang rason para bumalik pa ako."


"Hinanap ka niya." Natigilan ito. "Hinanap ka niya ng napakatagal na panahon at andito na siya, kunti na lang ang pagitan ninyong dalawa pero hindi mo man lang siya kayang harapin at magpaliwanag." Umiling iling siya.



"Flair, hindi madali ’yang gusto mo. May rason ako kung bakit mas pinili ko ang lumayo sa kanila."


"Rason? Ano ang rason mo? Kaibigan mo siya hindi ba?" She sighed.



"Kahit pa." Naningkit ang mga mata ko.



"Just tell me the truth. May ginawa ka bang kasalanan kay Charlotte?" Natigilan naman siya at napansin ko ang pagiging malikot ng kanyang mata.

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now