Episode 27

68 4 0
                                    

Episode 27:


FLAIR




Sinundo kami ni Wil papunta kasi kami sa bahay nina Charlotte dahil nga birthday niya. Isang linggo na rin ang nakakaraan noong pumunta kami sa bahay ni Daddy. Inagahan na rin namin ang punta dahil si Wilbert ang kanyang escort ngayon. Nakabili na rin naman ako kahapon ng gift para sa maganda kong girlfriend. Natawa naman ako.



Nang makarating kami marami na kaagad ang tao sa loob. Mapa-business man pa ’yon o kung ano. Halata naman na mayayaman ang tao na naririto. Nang may mahagip ang mga mata ko agad na nilapitan ko ang taong ’yon.



"Ate Catalina?" Ngumiti siya sa akin bago ako hinalikan sa pisngi at niyakap. "Hindi ko alam na pupunta ka pala."



"Ako rin hindi ko alam na pupunta ka pala." Natawa ako sa kanya. "Biro lang. Inimbitahan kasi ako ni Charlotte, hindi pa kami okay. Siguro kakausapin ko siya mamaya." Tumango naman ako. Wala pa siyang alam sa relasyon namin.


Hindi pa nagsisimula marami pa ang dumalo. Nakita ko si Chairman Rouge na nakatingin sa gawi ko. Nasa gilid niya si Peach na hindi maipinta ang mukha. Nakita ko rin si Dad. Nakita na kaya siya ni Ate?



"Kakausapin ko rin ang ama mo." Napatingin ako sa kanya.



"Ama mo rin naman siya." Hindi na siya nagsalita pa. Galit na galit talaga siya kay Daddy. "Kausapin mo siya ng maayos, Ate. T’yak naman ako na nagsisisi na siya sa mga kasalanan niya."


"Sa tingin mo? Kaya lang hindi naman na niya maibabalik ang buhay ni Mama." Natahimik ako’t tanging tunog na lang ng speaker ang naririnig namin.



"Ladies and Gentlemen the debutant, Charlotte Grace Reyes." Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita siya na naka-gown habang pababa ng hagdanan. Nang maalalayan na siya ni Wilbert pumunta na siya sa isang stage.



Napakaganda naman niya ngayon.




"She's pretty." Tumango naman ako dahil sa compliment ni ate.



"Totoo."



"Balak mo rin magkaroon ng ganitong party kapag nag 18 ka na?" Nilingon ko si Ate.



"Hindi mo nga naranasan ’yong ganito, siguro hindi na lang din. Basta makasama ko ang mga taong mahal ko ayos na sa akin." Hinawakan niya ako sa balikat.


"Ako ang bahala."

Nagkaroon ng 18 roses, message, gifts etc. Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya ngayong gabi na ’to. Hanggang sa umakyat na si Mr. Pierce Reyes for message sa kanyang anak. Nakaka-touch naman kung gano’n.



"First of all, maraming salamat sa mga dumalo sa kaarawan ng aking nag-iisang anak ko na si Charlotte Grace Reyes. Masaya ako dahil naabutan ko pa na mag-18 ang prinsesa ko." Nakita ko kung paano lumungkot ang mukha ni Charlotte at hinawakan ang kamay ng kanyang Ama. Napakunot noo naman ako. "Ngayong kaarawan mo dapat ako ’yong nagregalo sa ’yo pero ako ang binigyan mo ng regalo dahil pumayag ka na pumunta sa Mexico." Nabigla naman ako.



May gumuhit na kirot sa kaibuturan ng aking puso kasabay ang pagtingin ni Charlotte sa gawi ko. Napatingin din ako sa Mommy ni Charlotte na bakas sa mukha ang pagkagulat. Aalis si Charlotte at pupunta siyang Mexico.




Ngumiti siya at niyakap ang ama niya. Ano bang nangyayari? Bakit siya aalis at pupunta sa Mexico? Bakit hindi niya sinabi sa akin?



Natagpuan ko ang aking sarili na nakatingin sa maliwanag na buwan. Bigla na lang nag-init ang mga mata ko kaya pinahid ko ’yon. Napakagat labi ako at napahikbi.



She Owns My Lips || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon