Episode 1

708 16 1
                                    

Episode 1:

CHARLOTTE


"Can I borrow your pencil?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. She's wearing a fancy reddish hair. Bagay sa kanya ang suot niyang uniform, ngayon ko na lang ulit siya nakita.


"Can I?" Ulit pa niya kaya mabilis na kinuha ko ang lapis sa bag ko at iniabot sa kanya.

"Ito." nginitian niya ako kaya naman napataas ang kilay ko.


"Thanks, Charlotte." Tumalikod na siya.

"Sandali." Tumigil naman siya at nilingunan ako. "How did you know my name?" mahinang natawa siya.

"Campus President ka..." Napahawak naman ako sa noo ko’t napailing.

Oo nga pala.



"Ah." Tumango naman ako bago ibinalik ang tingin sa libro.



Nakarinig naman ako nang mga yabag papalayo sa akin. Napatingin naman ako. Sino nga ba siya? Napailing ako bago itinutok ang tingin sa pagbabasa ng libro. Hanggang sa may maramdaman ako ng pamilyar na presensiya. At pamilyar na panlalaking perfume. Napatunghay naman ako at nakita si Wilbert Lennon—ka-block mate ko. Hindi ko namang masasabi na kaibigan ko siya pero close naman kami.



"Tara sa isawan mamaya." Itiniklop ko ang libro ko bago ibinalik sa bag ko. "Samahan mo na ako." Pinagsalikop pa niya ang kanyang mga kamay habang kumikinang ang mga matang nakatingin sa akin.



"Noong isang araw nasa isawan ka, kahapon ando’n ka na rin. Nagpapakamatay ka ba?" Napakamot naman siya sa batok.


"Patay agad? Masarap kasi. Nakikita kasi kitang nag iisa nitong mga nakaraang araw. Nasaan ba si Shea?" napataas ang kilay ko.


"Bakit mo siya hinahanap?" Hindi siya sumagot kaya tumayo na ako’t bumuntong hininga. "Pag iisipan ko." Tiningnan ko ang aking relo. "Hindi ka pa ba papasok? Sabay ka na sa akin."Tumayo na rin siya at malawak na ngumiti sa akin.


Sabay na lumabas kami ng Library kaya naman may ilang mga estudyante ang kasalukuyang nakatingin sa amin. Napangiwi naman ako at asar na naglakad na lang.


"S-sandali. Ang bilis mo naman kasing maglakad." Hindi ko siya nilingunan pa. Nang makarating kami sa room natahimik naman ang lahat ng naandon.


"Oy, si President luma-lovelife." Natawa naman itong katabi ko't humawak sa batok.


"Tigilan niyo nga ako kung ayaw niyo na paglinisin ko kayo nitong buong classroom." Banta ko kaya naman bumalik silang lahat sa ginagawa nila na para bang walang nangyari. Mga uto-uto.


"Ibang klase. Nakakatakot ka talaga." Tiningnan ko naman si Wil at inirapan bago bumalik na sa kinauupuan ko.


Nang pumasok ang lecturer namin nagsimula na siyang magtanong sa amin. Napag-aralan na namin kaya naman kailangan talaga kailangang may recitation. Ibang klase kapag hindi ka nakasagot talagang hindi ka makakaupo.


"Ms. Ramirez, stand up." Tumayo naman si Alex. "Who wrote ‘De rerum natura’?" Napataas ang kilay ko. "Speak." Mahinahon niyang utos.

"I-i don't know, sir."

"Can you help her, Mr. Lennon?" Tumayo naman ’yong nasa tapat ko.


"Lucretius, sir." Tumango naman si Sir.

"Sit down, Mr. Lennon." Ibinaling niya ang tingin kay Alex. "Stay stand up. And here your question. Who discover that everything in this universe, ranging from planets and stars to mountain decay?"


"L-lucretius, sir?" Sagot niya.

"Are you sure?" Tumango naman si Alex. "Sit down." Inilagay niya sa mesa ang mga papel na may pangalan namin at tumingin sa amin. "We have quiz tomorrow, 50 items. Review. Dismiss." Aniya at umalis na.

"Tara na sa café?" Nag-angat ako ng tingin kay Wil.

"No thanks. Wala ako sa mood mag-break ngayon." Tumango-tango naman siya.

"Mag-isa ka lang rito."

"Okay lang."

Hindi na siya nagsalita pa at umalis na kasama ang ilang estudyante. Hanggang sa ako na lang matira rito sa loob. Kinuha ko naman ang earphone ko at inilagay sa tigkabilang tenga bago kinuha ang libro ko.


Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa nang may umupo sa harapan ko. Hindi ko naman pinansin dahil alam ko na kaklase ko rin ’yon. Wala naman kasing ibang strand ang nagagawi rito. Maliban na lang kung may gagawin sila katulad na lang 'yong pangangampanya pero sa palagay ko wala pa naman kami sa point na gano’n.


Hanggang sa mapakunot noo ako nang may ipatong na milktea sa desk ko. Aba’t ang kapal hindi naman patungan ang desk ko. Inalis ko ang earphone ko at ibinaba ang libro bago masamang tiningnan kung sino man 'yon.  Napasandal akong bigla sa upuan ko at inilayo ang mukha ko dahil sa subrang lapit ng mukha niya.


You again?!


Tiningnan ko ang logo nang suot niyang blazer. HUMMS? Ano naman ang ginagawa nang isang taga-Humms rito?

"Lumayo ka nga!" Bago ko siya dinuro sa noo at inilayo ang mukha sa akin. "What are you doing here?" Mahinahon kung tanong.


"Nakalimutan mo na kaagad?" Napataas ang kilay ko.

"What?"

"Ang sungit mo!" Singhal niya pero nakangiti pa rin. Napairap naman ako. "This." Itinaas niya 'yong mechanical pencil ko na mahigit nasa singkwenta pesos ang presyo.

"Bakit nasa iyo ito?" Kinuha ko ang lapis sa mga kamay niya at ngumuso naman siya. "Milktea para sa abala ko." Kumunot naman ang aking noo.

"Hindi ako umiinom n’yan. May mga mata ’yan. Don’t you see?" Itinuro ko pa ’yong maliliit na bilog sa ilalim ng milktea. Mahinang natawa naman siya. "Salamat pero dalhin mo na 'yan pabalik sa pinanggalingan mo." Umiling siya.


"Try it. Alam ko na ayaw mo talaga kaya lang subukan mo na."

"Ano’ng alam mo? Hindi nga kita kilala. Ngayon lang kita nakita." Malamig na sambit ko.

"Maraming beses na kitang nakikita." Ngiting saad niya kaya naman napasimangot ako. Tumayo siya at inilagay sa likuran niya ang buhok niya. Agaw pansin talaga ang pagka-reddish ng kanyang buhok.


"Alam mo bang bawal ang may kulay na buhok dito? Kapag napansin ng guard ’yan hindi ka no’n papasukin." Ngumiti lang siya.

"He knew about my hair color and I explain to him na rin kung bakit ganito ang kulay ng buhok ko."


Hair color niya?


"Kulayan mo ng itim." Her lips parted. "You should dye it. You may go." Taboy ko sa kanya habang nakaturo sa pintuan.


She sighed. "Sinabi mo e. Masarap ’yan. Nga pala. Hihintayin kita sa mamaya." Napaawang ang mga labi ko at sinundan lang siya ng tingin palabas. Muli ko namang tiningnan ang milktea. 


Ngumiwi naman ako. Sino ba siya sa akala niya? Ang lakas naman ng loob niya na kausapin ako kahit usap usapan na sa buong University na masungit ako't dragona na ‘raw’ kuno. Napansin ko ’yong note sa gilid ng lalagyan at binasa ang nakasulat.


Milktea is good for your health. Just try it.

- FK


Napataas ang kilay ko at napangiwi paano niya naman nasabi na mabuti ito para sa kalusugan ko. Kahit na mukhang mabait siya ayaw ko pa rin. Itatapon ko na lang ito o 'di kaya naman ipamimigay ko na lang.


_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Donde viven las historias. Descúbrelo ahora