Episode 26

78 4 0
                                    

Episode 26:


FLAIR



"Kaya po pala sinabi niya sa akin na nahanap na niya ’yong taong matagal ko nang hinahanap."



Tumingin si Dad sa akin na may nag aalangang ekspresyon. May tiwala naman ako kay Charlotte. Wala namang namamagitan sa kanilang dalawa ni Ate.


"Nagtaka lang ako dahil dumaan sa buhay mo ang panganay kong anak." Tumingin si Charlotte sa akin.



"Dahil po naging kaibigan ko siya noon. Bigla na lamang po siyang nawala ng walang paalam kaya po ipinahanap ko siya sa isang private investigator. Tumulong po sina Mom and Dad pero noong hindi naman siya matagpuan, itigil na po namin." Mahabang litanya ni Charlotte. Tumango si Dad dahil sa paliwanag ni Charlotte.


"Sa loob tayo para hindi kayo mangalay rito." Tumango naman si Charlotte.

Nang makapasok kami sa kabahay, mabigat na atmosphere agad ang bumalot sa akin. Ang sakit pa rin pala talaga sa dibdib. Hindi ako bumabalik sa bahay na ito dahil masasamang alaala lang ang meron sa lugar na ito. Mas marami ang masamang ala ala kesa mga magagandang memories naming pamilya. Nakita ko rin ang family pictures namin doon kaya umiwas agad ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bakit naroroon pa rin ang litrato naming pamilya? Hindi ba dapat matagal na ’yong inalis ni Dad dahil hindi naman kami buo.



"Malakas din ang loob mong humarap sa ama ng babaeng napupusuan mo." Napatingin ako kay Daddy. "Have a sit." Sabay kaming umupo ni Charlotte.



"Gusto ko na malaman niyo po."


"Kanina ka nga lang sinagot nitong anak ko."


"Matagal ko na siya dapat sinagot. Hindi ko nga alam na dito kami pupunta sa bahay mo." Kunot noong saad ko. Hindi pa kami maayos ni Dad. Galit pa rin ako sa kanya.


"Flair..." Charlotte whispered.


"Maaari ba kitang makausap, Charlotte? Tayo lang dalawa?" Sumama ang tingin ko kay Dad pero marahang pinisil ni Charlotte ang kamay ko.


"It's okay." She whispered.


"Don't worry, anak." Hindi ako nagsalita. "Wala akong gagawin para mas madagdagan ang galit mo sa akin, " aniya pa. "So, can we talk now?" Tumango si Charlotte. Tumango rin ako. Ayaw ko sanang pumayag pero may isang salita naman si Dad.



"I love her, Dad." He smiled.


"I know. Anak kita." Tumango ako.


Tumungo silang dalawa sa office ni Daddy. Ako naman ay sumaglit sa dati kong silid. Malinis pa rin sa loob, kung anong itsura noong umalis ako gano’n pa rin ito hanggang ngayon. Wala siyang ginalaw sa kwarto ko, wala siyang inalis at wala ring idinagdag. Nakita ko ’yong canvas sa gilid ng bintana. ’Yon ang painting na hindi ko natapos, nilapitan ko ang canvas bago inilapat ang daliri doon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan ang araw kung bakit hindi ko ito natapos.

"Umalis ka pero huwag mong isasama ang mga anak ko!" Sigaw mula sa labas ng kwarto ko. Nagkatinginan kami ni ate at sabay na tumayo.


"Mas may karapatan ako sa kanilang dalawa dahil ako ang nagluwal sa kanila!" Sigaw pabalik ni Mom.



"Akin sila! Sumama ka sa lalaki mo kung gusto mo, pero iiwan mo sina Catalina at Flair sa akin." Binuksan ko ang pintuan at nakita ko sina Mom and Dad.



"Wala akong lalaki, Khain! Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon!" Tumulo ang luha ko. Ito ang unang beses na nakita ko silang nag aaway ng matindi.


She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now