Episode 5

154 7 0
                                    

Episode 5:



FLAIR

Napabahing ako dahil sa iniabot na bulaklak ni Franz sa akin. Nagpabili kasi ako sa kanya ng plastic na bulaklak pero totoong bulaklak naman ang binili niya.


"Allergies?" Napaangat ako ng tingin sa kanya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.



"Yeah." Kibit balikat na sabi ko sa kanya.



"Don’t take a flowers from your admirer." Kinuha niya ’yon sa aking bigla. "Sabihin mo sa kanya na allergy ka sa talaga sa bulaklak." Napakamot naman ako.



"He is not my admirer, nakisuyo lang ako sa kanya na bumili ng plastic na bulaklak pero hindi ko naman inaakala na tunay na bulaklak ang bibilhin niya." Inirapan niya ako.



Kahapon, nagmamadali siyang umalis sa club. Nakakapanibago lang dahil hindi niya ako pinapansin pero hindi na rin ako magtataka masyado siyang busy. Nakita ko siya kanina sa registar office. May babaeng kasama at halatang malapit sa kanya. Napakalapit nila sa isa’t isa kanina.



Inggit ka?




Naglakad ako papasok sa room ko at bago pa ako makapasok may narinig akong kalabug kaya napalingun ako.





"Tss, clumsy." Nakita ko si Charlotte habang inaalalayan ang isang babae. Mas natigilan ako ng mag-angat siya ng tingin at magtama ang mga mata namin.




Napalunok ako at wala sa sarili na nilapitan siya. "P-pea." Nakaawang lang ang mga labi niya hanggang sa gumuhit ang isang masayang ngiti sa mga labi niya.




"Key!" Napatingin ako kay Charlotte na seryosong nakatingin sa akin at bakas sa mukha ang labis na pagtatanong.


Ibinaling ko pabalik ang tingin sa kanya. "How are you?" Mahinang tanong ko.



"I'm fine." Tumango naman ako. "Ikaw?" Hinawakan niya ako sa braso. "It's been a long time. Ang laki ng ipinagbago mo." Tinitigan ko lang siya. Hindi ako makapagsalita. Malaki ang ipinagbago ni Peach. Subrang laki. "Key?"


"Ha?"



"Kumusta ka na?" Lumunok ako.



"A-ayos lang ako." Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. "Masaya ako dahil nagkita ulit tayo." Tumingin ako kay Charlotte. "Kaano-ano mo siya?" Tanong ko sa kanya.




"She's my..." Napatingin ako kay Pea. "...my special someone." Ngiting sabi pa niya’t bumitaw sa akin bago hinawakan ang kamay ni Charlotte.


Hindi naman nagsalita si Charlotte kaya naman naniwala na lang ako kay Pea. She's honest. Matagal din kaming naging magkakilala.





"Imbitahan kaya na'tin siya?" Bumalik naman ako sa reyalidad.



"Hmm?" Kumunot lang ang noo ni Charlotte.




"Sa apartment. Don’t worry, darling. I can cook. Sa dinner lang naman. Namiss ko lang kayong pareho. Isama na rin na’tin ’yong masungit mong kaibigang pinangalanang Shea." Mahabang litanya niya.


Charlotte chuckled, "You’re so cute. Okay lang sa akin." Napaiwas ako ng tingin.



"Yey! Ikaw?" Tanong niya sa akin.



"Kapit-bahay ko siya." Bumilog naman ang mata niya.



"Really?" Tumango ako. "Sabay sabay na tayong umuwi mamaya." Ako naman ang napakunot noo.



She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now