Episode 35

100 3 0
                                    

Episode 35:



FLAIR




Hindi na naman pumasok si Charlotte. Isang linggo’t dalawang araw na rin siyang hindi pumapasok, ang sabi pa nang ilan nagmo-module daw ito. Masyado sigurong maraming inaasikaso na business. Kung tutuusin p’wede naman sana siyang huminto sa pag aaral para mas mapatakbo niya ng maayos ang kompanya ng kanyang Daddy pero pinili pa rin niya ang pag aaral kahit nahihirapan na siya. She's so independent.



"Namimiss mo na?" Napatingin ako kay Jazzfer. "Don't worry namimiss ka rin no’n." Inirapan ko naman siya.



"Ewan ko sa iyo."



"So? Ano na ang balita kay Moncláveir? Hindi ko nararamdaman ang presensya niya ngayon. Busy rin ba ang manliligaw mo? Kaya ba si Santillan boy ang umaaligid sa iyo?" Natawa ako. Si Khan naman talaga itong nangungulit sa akin ngayon. Hatid sundo kahit hindi naman kailangan.




"Nasa New York si Alicia ngayon for business. Isinama siya ng Daddy niya kasi kailangan daw ito doon." Tumango naman si Jazzfer. Si Charlotte wala akong balita sa kanya.



"Kaya pala solong solo ka ni Khan ngayon." Sumandal siya. "Ang haba naman talaga ng hair mo. Putulin kaya na’tin ’an." Hinampas ko siya sa balikat.




"Ewan ko sa iyo, Jazzfer. Bakit ba ginugulo mo ako? P’wedeng p’wede talaga kayong magsama ni Shea, pareho kayong sinto sinto."



"Grabe. Hindi naman kami sinto sinto, isipin niyo kami ang kupido."



"Ewan ko sa iyo." Tumawa siya.




Natapos ang buong maghapon na wala akong kagana gana. Hindi ko alam kung pagod ako o ano. Pakiramdam ko may kulang. Humiwalay si Jazzfer sa akin noong makarating kami sa Culinary café dahil may dadaanan pa raw siya. Si Hailey hindi ko alam kung  nasaan na naman ’yong babae, palagi kasi siyang MIA (missing in action) or baka may lakad na naman siya.



Napaatras ako noong may humarurut na sasakyan, muntik pa akong matalsikan ng pusali. Nakakainis, makilala ko lang kung sino ang may ari no’n susungalngalin ko siya ng bag. Naglakad ako ng mabilis saktong bukas naman noong makalapit ako. Napaatras ako ng makita ko ang hindi kilalang babae. Sino ’to? Kinuha niya ’yong cellphone niya at may tiningnan bago ako tiningnan, tumingin ulit siya ng isa pang tingin sa cellphone niya bago ako nginitian.


"Mas maganda ka sa personal, Ms. Ross."



Sino ’to? Aatras na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko’t hinila palapit sa kanya kaya naitulak ko siya at napalayo sa akin, napatama ang likod niya sa sasakyan.


"Lakas mo naman po. I'm Celestine Reyes, ipinapasundo ka sa akin ni Charlotte." Natigilan naman ako.


"Nasaan siya?"


"Nasa bahay nila." Simpleng sagot niya.


"Bakit niya ako pinapasundo?"



"Siguro sa kanya ka na lang magtanong."



"Paano ako makasisiguro na ipinapasundo ako ni Charlotte? Sino ka ba?" Nagseryoso naman ang mukha niya.


"May sakit si Charlotte. Ayaw niyang magpadala sa hospital kaya ikaw ang pinuntahan ko. Kinausap ko na rin si Sheana at ang sabi niya dito nga raw kita puntahan." Tumango naman ako. Sinilip niya ako. "Naniniwala ka na ba?" Bumuntong hininga naman ako.



Sumakay ako ro’n sa kotse niyang mamahalin. Ang daldal pa nga niya e. Siya raw ay anak ng dalawang magandang babae, may mga binanggit siyang pangalan pero hindi ko naman natandaan halos. Na-aamaze lang ako sa kanya dahil habang nagk’kwento siya ay mararamdaman mo kung gaano siya ka-proud sa mga parents niya. Anak ng dalawang babae? Hindi na bago sa akin ’yon dahil ’yong kapatid ni Tito Zach ay may asawa ring babae at may anak na rin. Halos lahat ng mga Santillan kasi may mga babaeng asawa.



She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now