Episode 2

405 10 0
                                    

Episode 2:

FLAIR




"Ang tagal naman nilang maglabasan."




Maya’t maya akong nakatingin sa relo ko at panay sulyap sa classroom niya. Ininom kaya niya? Hinawakan ko naman ang bag ko at sumandal sa railing. Wala kasi sina Marky, Franz at Hailey dahil busy sila sa theater. May practice sila, kasali rin ako pero saling pusa lang. Hindi ko kasi bet ang pag-arte.


Napangiti naman ako nang makita ko siya na bumababa ng hagdan. Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang lalaking ’yon na kasama na naman niya.



"Hi." Bati ko dahilan para matigil sila at sabay na mapatingin sa akin.


"Magba-barbeque kami. Sasama ka ba?" Tanong niyang bigla na ikinagulat ko naman.


"T-teka akala ko ba tayo lang dalawa." Napangisi naman ako.


"Sige sasama ako." Malawak na sabi ko.


Ulol, hindi mo siya maso-solo.


"Hayts! Sige na nga." Parang ayaw pa niya na kasama ako.


Sabay na kaming tatlo na bumaba pa nang hagdan at lumabas ng campus. ’Tapos tumigil silang dalawa sa tapat ng isang vendor at nagsimula na silang magbayad kay manong. Ibinaling naman niya ’yong tingin sa akin.


"Alin ang sa iyo?" Itinuro ko pa ang sarili ko. "Oo. Ikaw." Napangiti naman ako at napakamot sa ulo ko. "Barbeque o —"



"Ikaw." Mabilis na sagot ko at tiningnan ’yong mga tinda ni manong. Mapatingin naman ako sa kanya nang hindi ito magsalita. Nakatingin siya sa akin habang namumula ang mukha. "Cute." Ngumiti akong muli sa kanya.


"A-ako?" Inosenteng tumango ako.



"Oo."


"H-hindi ako available." Napakurap naman ako’t itinagilid ang ulo ko.



"Ha? Ang ibig kung sabihin ay ikaw na ang bahala at—" Natawa naman ako sa reaksyon niya. Ngayon ko lang na-realize na mali ang isinagot ko kanina.



"Kayo? Ano’ng bibilhin mo ba?" Napatingin ako sa kanya.



"Katulad na rin nang binili niyo." Ngiting sagot ko kaya naman tumango siya. 



Ibinalik ko ang tingin kay Charlotte habang nakatingin sa cellphone niya. Kahit saang anggulo talagang maganda siya pero kahit pa maganda siya, ginagawa ko lang naman ’to kasi kailangan ko siyang kumbinsihin na maging model sa gagawin naming art this coming friday.



Paano ko ba sisimulan? Gusto ko kasi kami lang dalawa tapos biglang sumingit itong asungot na ’to hindi tuloy ako maka-bwelo.



"Flair!" Napalingon ako. "Hoy!" Napaatras ako. Nang makalapit siya bigla na lang niya akong niyakap nang napakahigpit. "Kailan ka pa nakabalik?" Tanong naman niya.





"H-hindi naman ako umalis." Napaiwas ako ng tingin at napatingin kay Charlotte na kasalukuyang nakatingin sa akin.



"Gumaganda ka, ah!" Sigaw pa niya kaya naman tinakpan ko na ang bibig niya gamit ang kamay ko.


"Huwag ka ngang sumigaw. Nakakahiya ka." Iniis na saad ko.



"Hey, luto na ang barbeque mo." Napalingon ako.


"Aha!" Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko bago isinukbit ang kamay sa braso ko at hinila palapit kina Charlotte.



Kinuha ko naman ’yong barbeque at isinawsaw sa sawsawan at akmang isusubo na nang hawakan ni Charlotte ang kamay ko para pigilan.



She Owns My Lips || (Completed) ||Kde žijí příběhy. Začni objevovat