Episode 16

103 5 0
                                    

Episode 16:




FLAIR




Nakaupo ako habang ’yong katabi ko hindi kumikibo. Ang init pa rin ng mukha ko dahil sa ginawa niya sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumikit noong pumikit siya. Hindi siya nagsalita pagkatapos. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari.



"Your lips taste like cheery." Napalingon ako sa kanya. Ngumiwi ako nang makita ko kung paano gumuhit ang isang mapang-asar na ngiti sa labi niya.


"Bakit mo ba ako hinahalikan?"



"Not my fault." Napalunok naman ako. Alam na kaya niya? "Nagc-crave kasi ako sa labi mo." Pinagsasabi nito?



"Ano ba tayo?"



"Friends?" Natawa ako at the same times naiinis ako.


"Friends?" Tumango siya. "Humanap ka ng kausap mo."


Tumayo naman na ako at akmang aalis ng hawakan niya ang kamay ko. Nilingon ko siya’t bahagyang tinaasan ng kilay. Tumayo na rin siya at bahagyang nag-bend para magpantay kaming dalawa.



"Hindi naman masama ’yon." Aniya pa.


I winced. "Alin? Ang halikan mo ako? Ang halikan ang kaibigan mo?"Tumango naman siya.


"Walang malisya. Pareho naman tayong babae." Napakagat labi naman ako at binawi ang kamay ko na hawak niya.



"Unang una hindi mo ako kaibigan at ikalawa hindi ako nakikipaglaro."



"Hindi ito laro."


"Eh, ano’ng tawag mo rito? Hinahalikan mo ako dahil lang gusto mo o baka dahil kaibigan mo ako?" Umiling siya. "Bahala ka na nga d’yan."


Bumalik ako sa conference room at tumabi kay Hailey at sumandal sa balikat niya. Isinubo niya ’yong chips sa akin at humarap sa kanya. Kinuha ko ’yong hawak niya bago kinain.



"Pahingi naman." Kinuha ni Felix yung chips. Walang hiya talaga.



"Ang daming chips do’n sa box tapos inaagawan mo ang babaeng ’to." Mahinang asik niya kay Felix bago binawi ang chips at ibinigay sa akin. Natatawa ako. Kahit papaano nawala ang stress ko sa council president.


"Ay wow! Kung makaasta parang shota ah." Umikot ang mata niya.



"Eww, shota! Pang-kalye naman. Tatanggapin ko pa kung jowa e."


"Mas straight pa si Flair sa buhok mo, bruha! Kung si Flair ang ninanais mo ’wag ka na magtangka. Naaalala mo ba ’yong junior na sinubukang magpa-cute sa kanya? Wala pa siyang ginagawa ligwak na kaagad." Sumandal naman ako sa upuan ko.


"Wala akong pakialam sa opinyon mo."


"Buti hindi ka naririndi sa mga bunganga ng mga ’yan." Tumingin ako kay Shea. "Ang iingay e."



"Tanggaling mo tenga mo?" Nginisian niya si Shea kaya naman umirap ito.



"Hindi ka ba tinuruan ng parents mo na, ’wag ka na lang magsalita kung wala namang lalabas na maganda d’yan sa bibig mo?" Taas kilay na saad ni Shea. Her attitude talaga minsan bigla biglang lumilitaw e.



"Walang lalabas na maganda sa bibig ko dahil ako ’yong maganda." Natawa naman ako. Ang taas ng confidence e.


"Maganda ka? Kung sino man ang nagsabi n’yan sa iyo siguro inuuto ka lang."


She Owns My Lips || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon