Episode 12

112 5 0
                                    

Episode 12:



CHARLOTTE




Binabati ako ng lahat habang naglalakad dito sa pasilyo patungo sa council nang may humarang sa akin kaya naman napatigil ako at seryoso siyang tiningnan.


She sighed, "Gusto ko lang humingi ng tawad sa iyo sa nangyare kahapon."


"Sinabi mo rin ’yan kahapon." Yumuko naman siya. "Mali na ’yong ginawa mo noon sa janitor's room pero inulit mo pa rin." Napakuyom ako.




"Bakit—"



"Tigilan mo na ako Jazzfer!" Bago ko siya nilampasan.



Sa nangyari kahapon bigla na lang akong maguluhan. Nang malaman ko na si Jazzfer ’yon nakaramdam ako ng inis. Hindi ko inaasahan na aaminin niya ’yon.




Abala ako sa paghihiwalay ng mga papel sa desk ng mapatingin ako sa taong nakatayo sa aking harapan.


"J-jazzfer?" She smiled at me kaya naman napatayo ako't nilapitan siya.


"Nothing change. Mas gumanda ka lalo." Natatawa niyang sabi kaya naman napangiti ako sa kanya.



"Kailan ka pa nakabalik?"



"Noong magsimula ang festival." Natigilan ako dahil bigla na lamang nag-sink ang mangyari sa akin nang araw na ’yon.




"Talaga?"



"Gusto ko lang humingi ng sorry sa iyo." Napakunot noo naman ako at napaupo sa gilid ng desk ko.



"Ha?"



"May nagawa kasi ako na alam kung ikagagalit mo at ayaw ko naman na mangyari ’yon." Hindi ko pa rin siya maintindihan.

"Ano ba ’yon?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Jazzfer?"


"That day in janitor’s room." Napatingin ako sa mga mata niya. "And I'm sorry." Bigla na lang siyang lumapit sa akin at hinalikan akong bigla dahilan para magulat ako’t hindi makagalaw.


Bigla ko siyang itininulak dahilan para mapasandal siya sa desk ni Grae. Inilagay ko ang likod ng aking palad sa aking labi at masamang tumingin sa kanya.


"Char—"



"Layuan mo ako! Bakit mo ba ginawa ’yon?" Singhal ko sa kanya.


"D-dahil gusto kita." Umiling naman ako sa kanya.


"Hibang ka na. Alam mong hindi p’wede ang nararamdaman mo. I’m dating with your cousin."

"Pero kapag sa pinsan ko pwede? Charlotte—" nagsalubong ang mga kilay ko.


"Iba ’yong sa kanya, Jazzfer! Hindi kita kaya magustuhan dahil magkaibigan tayong dalawa. Pareho tayong babae." Bago ko kinuha ang bag ko at iniwan siya sa council.



Napahawak ako sa noo ko. Tiningnan ko lang siya sa counter, may kinakausap siyang lalaki na mukhang isa sa mga staff nila. Ang seryoso ng mukha niya habang may kung anong idini-discuss sa kanya.


"May relasyon ba kayo ni Jazzfer?"Napatingin ako kay Wilbert at kinunutan ko siya ng noo.



"What?"



"Kayo ni Jazzfer may relasyon ba kayong dalawa?" Ulit niya sa tanong.



"Wala. Wala kaming relasyong dalawa. Sa tingin mo papayag ako na makipag-date sa 'yo kung nasa isang relasyon ako?"



She Owns My Lips || (Completed) ||Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt