Episode 33

83 3 0
                                    

Episode 33:



CHARLOTTE





Nakakainis. Sino ba siya sa akala niya? Sino ba ang babaeng ’yon? Ano ba siya ni Flair? Bakit may bulaklak? Bakit may date? Bakit may holding hands? Bakit sinusundo siya?



"Hoy!" Tinapik ni Shea ang balikat ko. "Nakakaawa na ’yong kutsara sa iyo. Sakal na sakal na oh. Pahingahin mo naman." She chuckles. Inismiran ko naman siya.




"Ano ka ba niya?" Kung wala lang kaso ang pananaksak ng tinidor siguro kanina pa duguan si Jazzfer. Nakakainis na siya. Kanina pa siya. "Walang kayo, remember?" Humalakhak siya kaya naman kinuha ko ’yong tissue sa tissue holder at isinubo sa kanya lahat. "Pweh! Bastos!" She exclaimed.



"Totoo naman ang sinabi ni Moncláveir. The past." Gumamit pa siya ng quotation marks sa parteng 'the past' inaasar niya rin ako. "Pasensya ka na friend, hindi ko nabantayan ang lovey dovey mo." She said sarcastically. "Hindi mo naman kasi sinabing pigilan ko ang mga manliligaw niya." Dugsong pa niya.



"Bakit mo pinakawalan kasi?"


"Kasi siraulo siya."


Tumawa si Jazzfer. Nakakab’wesit talaga ang dalawang ’to.



"Sino ba ang babaeng ’yon? Saan siya nagmula at kung papaano niya nakilala ’yon!?" Iritang tanong ko sa kanya.



"Anak siya nang may ari ng Moncláveir University. Ang pagkakaalam ko business partners ang mga parents nila, nakilala ni Flair si Cynthia sa mini exhibit nitong University sa Moncláveir Museum." Tumaas ang kilay ko.



"Paano sila naging close?"



"Ako na ’to." Excited na saad ni Jazzfer. "Kasi itong si Cynthia sinabi niya sa lahat ng tao sa Museum na crush niya si Flair and she's willing  na ligawan ang maganda mong ex then nakipag kompitensya itong poging Santillan ayon nililigawan siya nang dalawang bigatin. Actually may points na nga kami e." Napakunot naman ang noo ko.



"Points?"


"Moncláveir 5 points, Santillan 3 points, and  Reyes 0 point," saad ni Shea at muli niyang isinubo ’yong fries.



"Para saan ang points? Bakit ako zero?" Nagkatinginan ’yong dalawa.


"Dahil wala ka pang nagagawa." Ngumisi ako. "Oh, sa ngisi mong ’yan parang meron na." Inirapan ko sila.



"Ah, baka nga meron na kasi 5 days ago nagkita raw sina Charlotte at Flair sa unit ni Peach. Baka doon mo kinawa ang mga dumadagundong na moves." Natatawang sabi ni Jazzfer.


"Hindi counted ’yon kung meron man." Sabat ni Shea.



"Ay hindi?" Nang aasar na tanong ni Jazzfer. Umiling si Shea. "Aww, kawawa ka naman." Binato ko siya ng tissue kaya tumawa siya.



"Cynthia is adorable. The way she looked at Flair parang may kung anong kinabukasan akong nakikita. Alam mo ba ’yong feeling na in love ka, Jazzfer?" Si Jazzfer naman ang tumirik ang mata. "Ay hindi mo pa nga pala nararanasan ’yon." Makahulugang tiningnan ko si Shea.



"Naranasan ko na ’yon kaso panandalian lang, hindi ko nga alam kung in love ba talaga ako. Isa pa ikaw Shea kung makapagsabi ka d’yan parang palagi kang in love. Sabagay love language mo ang awayin si Cruz. Hindi ako magtataka kung kayo ang magkakatuluyan sa huli." Humagikhik si Jazzfer.



"Kami naman talaga."



"May label na kayo?" Tanong ko dahilan para matigilan si Shea.


"Wala pa silang label pero nauna na ’yong laplapan."  Napasinghap naman ako dahil sa sinabi ni Jazzfer.



"Hoy! Ang bastos ng bunganga mo."




Marami na nga talagang nagbago. Si Sheana San Diego mas naging friendly, si Jazzfer mas malapit na sila ngayon. Sa isang taon na lumipas marami na talagang nagbago pero ang nararamdaman ko para kay Flair andito pa rin. Siya kaya? Sana naman hindi pa ako huli. Sana p’wede pa.




"Mananatili ka na ba rito?" Napatingin ako kay Shea. "Paano ’yong business ni Tito sa Mexico?"


"Babalik pa ako sa Mexico but I'm staying here for good."


"O baka para kay Flair?" Kantyaw ni Jazzfer.


"Mag iingat ka sa desisyon mo, Charlotte. Naiinis pa rin ako sa iyo ha. Hindi ko gusto kapag nag dedesisyon ka ng hindi man lang nag iisip." She said while tilting her head.



Hindi rin ako kinausap ni Shea nang magdesisyon akong hiwalayan si Flair. Ramdam ko ang inis niya sa akin, kahit ako naiinis sa sarili ko. Siguro dahil sa kalungkutan kaya ko nasabi ’yon, babawiin ko naman sana pero huli na. Pinangunahan na ako ng kaduwagan.


"Ako rin nainis ako. Alam mo ba iyak nang iyak si Flair nang makabalik sila rito sa pilipinas. Muntik na siyang bumagsak sa sem kung hindi lang siya sinampal ni Hailey." Tiningnan ko si Jazzfer. "As in gulat na gulat nga ako. Inaway pa ni Shea si Hailey kasi ginawa niya ’yon. Basta ’yon na ang matinding away nina Hailey at ayaw ko na ’yong makita o masaksihan pa."



"Daldal mo naman." Maktol ni Shea. "Eh, hindi naman dapat niya ginawa ’yon pero may point din naman siya. Kung hindi natauhan si Flair baka late siya."



"Matalino naman si Flair e pero dahil sa pag ibig naging bobo."


"Tsk." Tumawa naman silang pareho.



"Pero nasa iyo pa rin ang boto namin. Galingan mo, Charlotte. Kapag hindi nadaan sa santong dasalan, idaan mo sa santong paspasan." Nag apir ulit yung dalawa.



"Tama tama." Napailing na lang ako. Mga sira ulo.


"Itutulad niyo pa ako sa inyo na baluktot kung mag isip."


"Matagal ka na kayang baluktot mag isip."




Tumingin ako sa orasan ko. 8 o'clock hindi pa rin nakakauwi ang Flair Keyne Ross na ’yon. Nasaan na ba siya? May nag abot sa akin ng isang cup ng kape, kumunot noo ako dahil siya ’yong guard doon.



"Wala pa si Ma'am Flair. Baka mamaya pa ho ’yon," aniya.



"Ganito ho ba palagi nauwi si Flair?" Umiling naman siya.


"Maaga hong nauwi si Ma'am Flair. Ngayon lang ho na-late ’yon." Tumango naman ako. Baka naman nawiwili siya sa pakikipag usap kay Moncláveir. "Andyan na ho pala siya." Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Hindi pa siya nakakalapit pero kitang kita ko na kaagad ang nakakunot niyang noo. "Good evening ho, Ma'am Flair. Hinihintay ho kayo nitong kaibigan niyo." Tumayo naman ako’t ipinatong sa mesa ’yong kape bago nilapitan siya.



"Sige ho kuya." Umalis na ’yong guard. "Ano’ng ginagawa mo rito?" I titled my head. Nilapitan ko siya't inalis ’yong dumi sa ulo niya.



"Kasama mo siya?" Umatras siya palayo sa akin.


"Oo. Bakit?"


"Did you enjoy?"


"Yes."


"Hmm." Umiling iling naman siya. "About what I've said five days ago. I'm serious about it. Liligawan kita, wala akong pakialam kung hindi ka pumayag."


"Charlotte, tumigil ka na. Akala mo ba laro lang ito?"


"Sino bang nagsabi na naglalaro ako? Seryoso ako sa mga sinasabi ko, kilala mo ako may isang salita ako." Humalukipkip naman ako. "Hindi mo ba ako aayain sa unit mo? Ang lamig dito." Umawang ang labi niya pero napailing na lang din hindi kalaunan.



"Tara."





_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now