Simula

1K 20 0
                                    


Simula






"Ayos ka lang ba?"




Pinunasan ko ang mukha niyang basang basa. Tinanggal ko rin ang balat ng itlog na nakadikit sa suot niyang uniform. Natigilan na lang ako ng marinig ko ang hikbi niya. Itinaangat ko ang kanyang mukha. I wiped her tears. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak dahil nasasaktan ako.


"Na-late ako. I'm sorry." Suminghot siya.

"I-it's not your fault, Grace. Siguro tama nga sila, siguro mas mabuti pang layuan mo na ako. Nasisira ko ang imahen mo." Umiling ako.

"Shhh, you're my friend. Wala silang karapatan na mamili kung sino man ang taong sasamahan at pagkakatiwalaan ko. Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan." Umagos ang hula niya at agad 'yung pinahid at mapaklang natawa.

"I'm tired, Grace. Hindi ko na kaya. Isang hamak na nerd lang naman ako. Hindi ako nababagay sa upang maging kaibigan mo, maging kaibigan niyo ni Shea. I'm sorry." Tumayo siya at mabilis tumalikod kaya naman hinawakan ko ang braso niya.

"Hindi ako lalayo sa'yo. I promise simula ngayon po-protektahan na kita sa kanila." Hinawakan niya ang kamay ko at inalis 'yun sa kanyang braso.



She looked at me.



She's crying at para bang dinudurog ako.



"I like you, Grace." Napaawang ang aking labi dahil sa sinabi niya.








Simula nang araw na ’yon hindi ko na siya nakita pa. She confess to me and bigla na siyang umalis. Hindi ko na siya nakita pa. Umalis siya sa University at sa dorm niya. May sumundo raw dito na babae at isinakay sa isang kotse.


"Iniisip mo na naman si Luxemburg." Umupo sa tapat ko si Shea. "She left at hindi natin siya masisisi. Ikaw ba naman ang ibully paulit-ulit kahit wala ka namang ginagawa mapapagod ka talaga." Masama kong binalingan ng tingin si Shea kaya naman itinaas niya ang kanyang kamay.

"I will find her."


"Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap, Charlotte."


"I don't care. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita. I want to see her. I want her to explain everything to me."


"Explain what, Charry?" Naningkit ang mga niya. "Sabihin mo nga, ano ba ang huling usap ninyong dalawa ni Luxemburg?" Umiwas ako ng tingin. "Charlotte Grace, nagustuhan mo ba siya?" Natigilan naman ako.


Tumaas ang aking kilay at tumayo na sa kinauupuan ko.



"Huwag mong sabihin na tama ang hinala ko. Nagustuhan mo nga ang nerd na ’yon. What a surprise?" She exclaimed.


"She's just a friend. I care about her. I know na ako ang dahilan kung bakit siya na-bully at nag-suffer. Guilty ako dahil sa akin umalis siya ng University."



"Hmm, are you sure na guilty lang ’yang nararamdaman mo o baka naman ’yang guilt mo may halong pangungulila." Tumawa siya.



"Shut up, Shea. Hindi kita pinapakialaman kay Peach kaya huwag kang bumoses." Itinukom naman niya ang kanyang bibig.


"Baka lang naman—"


"Straight ako at alam ko sa sarili ko na walang mali sa akin. Ang nararamdaman ko lang ay ang guilt. Kasi hindi ko siya naprotektahan." She sighed.


She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now