Episode 19

97 6 0
                                    

Episode 19:


FLAIR




Itinaas ko ang aking kamay at akmang hahawakan ang balikat niya pero hindi ko itinuloy. Talaga bang kaibigan lang ang turing niya sa kapatid ko?

Bakit nga ba ako nakakaramdam ng lungkot? Ano naman kung meron nga silang relasyon noon ng kapatid ko?

Hindi naman siguro ako nagseselos. At ano ang karapatan kong magselos?



She sighed. "Halika na." Tumango naman ako.



Sumunod lang ako sa kanya pabalik sa conference room. Nakatingin pa nga sina Shea at Hailey sa amin nang pumasok kami ng sabay. Si Felix naman kinukulit ako. Si Hailey nakikipag-asaran kay Shea.




Ilang araw pa ang igugugol namin dito bago makabalik sa Pierce. Namimiss ko na ’yong kama ng apartment ko. Gusto ko na mamahinga doon at matulog. Kaso baka pag uwi namin sa Pierce bigyan kami ng napakaraming report and quizzes. Nakakatuyo ng utak ’yon.



Umupo ako sa bakanteng bench dito sa labas ng Hotel. Binuksan ko ang in canned soft drinks na binili ko sa isang 24 hrs convenience store kanina. Lumabas ako para magpahangin. Tulog na si Hailey kaya ako na lang mag isa ang lumabas. Ayaw ko siyang gisingin dahil katulad ko pagod din siya. Hindi lang kasi ako makatulog e.



"Bakit nasa labas ka pa?" Natigilan ako’t napalingon sa nagsalita. Nakita ko ’yong isa sa mga representative ng college.



"Ikaw rin." She chuckled. "Upo ka." Tumango naman siya’t tumabi sa akin. Tahimik kong ipinagpatuloy ang pag inom ng binili kong soft drinks.



"Nga pala."


"Hmm?" Sinulyapan ko siya.


"Kaano-ano mo si Peach Rouge?" Natigilan naman ako.


"Ah, she's my friend." Tumango naman siya.


"Naging sila ba ni Shea?" Natigilan ako dahil sa tanong niya at kumunot ang noo.


"Ha?" Tumigil lang siya at natawa bago umiling.


"Wala."


Bakit niya tinatanong kung naging sila ni Shea? Bakit niya naman natanong ’yon?


"Teka, bakit mo tinanong?" Uminom siya ng bottled water.


"Ah,natanong ko lang kasi after live proposal niya kay Rouge bigla na lang siyang umalis ng bansa." Napaawang ang labi ko.


Live proposal?



"Ano’ng ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba alam ’yon? Ilang taon na rin ang nakakalipas noong mangyari ’yon. Curious lang ako kasi napansin ko na noong bumalik si Rouge hindi sila nagpapansinan ni Shea." Natawa naman ako.



"She's my friend when I was in Paris. Kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya dito sa pilipinas noon." Tumango naman ito. "Kilala mo si Peach?" Umiling siya.


"Kilala siya ng kaibigan ko." Tumango naman ako.



Pero... si Sheana San Diego? Nag-live proposal siya kay Peach? Akala ko pa naman straight siya. Paano nangyari ang bagay na ’yon?



"Ross?" Sabay kaming napalingon sa tumawag. "Sabi na nga ba." Nakita ko ang ngiti sa labi ni Shea noong matamaan siya ng sinag nang liwanag na nagmula sa street light, napaiwas naman ako ng tingin dahil napansin ko na nakatingin si Charlotte sa akin.


She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now