Episode 38

112 3 0
                                    

Episode 38


FLAIR



"Bakit walang taxi?"



Tumingin ako sa orasan ko, natigilan naman ako’t naalala si Charlotte. Ang putla niya kanina noong naabutan ko siya sa labas ng police station. Gusto ko pa sana siyang samahan kaso mukhang ayaw naman niyang ando’n ako. Bakit ba ako pumunta dito?




"Hey!" Bumalik ako sa reyalidad at napakurap. "Get in." Nakakunot ang kanyang noo.



"W-why?"



"What do you mean why?"


"I mean why should—"


"Ihahatid kita sa University."


"Ah?… Ha?" Napairap naman siya’t lumabas ng kotse.

"I know that I'm gorgeous but please… get inside." Napangiwi naman ako. "Go!" Mabilis naman naman akong pumunta sa passenger seat ng pigilan niya ako. "I'm not your driver, Ms. Ross." Aniya’t binuksan ang
pintuan sa unahan. "Get inside."


"O-okay." Bago ako pumasok. Pagkasara niya ng pintuan ay sumakay na rin siya.


"Seatbelt mo."


"Oo."



Tahimik lang kami dito sa loob ng kotse. Napapasulyap ako sa kanya pero agad ding nag iiwas ng tingin. Bumuntong hininga ako’t tumingin sa labas ng bintana. Nakausap ko na rin ’yong kay Khan at tumigil naman na siya, igagalang niya raw ang desisyon ko pero si Alicia nagte-text pa rin siya sa akin, kinukumusta niya ako.


"You and that girl." Natigilan ako. "Kayo na ba?" Napatingin ako sa kanya. "Ang sweet niyo kasi sa hospital." Napangiti naman ako pero tumikhim din.


"She's just concerned." Hindi siya nagsalita. "Kumusta na si Shea?" Hindi siya sumagot kaya tumango na lang ako.



"She's fine. Pinapatingnan na rin siya ng psychiatrist." Tumango naman ako.



"Mabuti. Si Hailey?"



"Matigas ang ulo ng kaibigan mo. Uuwi lang sa kanila para magbihis pagkatapos babalik na rin sa hospital para bantayan si Sheana." Tumango naman ako. "Baka nga sila na." She chuckled.



"Ha?"



"Wala."


"Baka bumagsak si Hailey."


"Inaalala rin ’yan ni Sheana kaso matigas ang ulo niya. Kaya naman daw niyang habulin ’yon." Tumahimik na ulit ako gano’n din siya hanggang sa makarating kami sa University.



Pagkahatid niya sa akin umalis na rin siya kaagad, tumakbo naman ako papasok para habulin ang PE namin kaso tapos na noong makarating ako. Nakagawa naman daw ng alibi si Jazzfer kaya safe ako.



"Narinig lang na nasa police station si Charlotte talagang lilipad e." Inirapan ko si Felix.



"Kahit dagat ay lalanguyin, bundok ma’y tatawirin para sa kanyang iniirog." Ngumiwi ako’t binato si Wilbert.



"Nga pala? Tuloy ka ba sa Tuesday?" Tanong ni Jazzfer sa akin.



"Saan?" Kunot noong tanong ni Wil.



"Oo nga, sa’n ang gura?" Segunda ni Marky.


"Sa Paris."


"Aalis ka?" Gulat na tanong ni Felix. "Babalik ka pa ba dito? Doon ka na ba mag aaral? Bakit ngayon pa? Bawal ba sa next year?"



She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now