Episode 13

103 4 0
                                    

Episode 13:

FLAIR

Tangay ko ’yong straw ng milktea habang nakatingin lang sa cellphone ko, binabasa ko kasi ’yong chat ni Felix sa akin. Pinapasunod kasi nila ako sa Gem Restaurant e kaya lang may inaasikaso pa ako sa art club.

Flair:

Hindi ako makakapunta, busy ako. Hope you understand:)

Reply ko, pagkatapos ay tumayo na ako pero pag angat ko ng tingin ay nakita ko si Wil. Malawak siyang nakangiti sa akin. Hindi niya ata kasama si Ms. President. Tipid akong ngumiti sa kanya.

"Busy ka?" Ngiting tanong niya.

"Ah, may asikasuhin pa ako sa art club. Bakit may problema ba?" Umiling siya sa akin.

"Ah, wala naman. May ipapasuyo sana ako. Kung ayos lang." Aniya’t itinaas ’yong nasa paper bag na may tatak na cookies. "Pinabili niya ito sa akin kanina pero hindi ko na ’to madadala sa council kasi may hinahabol ako e." Napakunot noo naman ako.

"Hinahabol?" Tumango siya.

"Oo. May check up kasi ang pinsan ko ngayong hapon ang appointment niya sa Doctor. Makikisuyo sana ako, p’wede ba?" Bumuntong hininga ako.

"Sige, tutal madadaanan ko naman ’yong council papunta sa club e." Kinuha ko ’yong paper bag sa kanya.

"Salamat."

Hindi na rin siya nagtagal pa dahil umalis na rin siya. Malaking himala na hindi siya bumuntot kay President. Nakakapanibago lang kasi palagi siyang kasama ni President e. Isa pa manliligaw kaya siya ni—Teka, ano ba ang pakialam ko? Hindi ko na dapat iniisip ’yon. Relasyon naman nila ’yon e.

Itinapon ko sa trash can ang lalagyan ng milktea na walang laman bago naglakad. Siguro tama na ’yong ganito ako kalayo sa kanya. Hindi ko naman sana siya makaka-close kung hindi nakiusap ang mga ka-club ko na maging model siya. Isa pa umaaligid din sa kanya ’yong pinsan ni Wil.

Si Jazzfer.

Nang makarating ako sa council ay agad akong kumatok sa pintuan, bumukas naman ’yon at bumungad ang mukha ng Vice president ng council. Malinis ang gupit niya’t may suot siyang round glass, hindi naman ’yon masyadong makapal kung baga saktong sakto lang sa kanya. Bagay sa gwapo niyang mukha.

"Ms. Ross, ano’ng masamang hangin ang nagdala sa iyo rito?" Natatawang tanong niya.

"Ah, si President?" Kumunot naman ang noo niya hindi kalaunan ay nilakihan ang awang ng pintuan.

"Medyo busy si President e. Mabuti pa ikaw na lang lumapit sa kanya." Nagkibit balikat naman ako’t pumasok na.

Iniikot ko ang paningin ko sa loob ng council room, napakaraming papel at halatang hindi na sila magkamayaw dahil sa mga tambak na trabaho. Mag o-overtime siguro sila ngayon.

Napangiti ako ng makita ko si President sa table niya’t busy sa ginagawa kaya naman dahan dahan akong lumapit sa gawi niya.

Nakataas ang buhok niya, maluwag ang tie niya at hawak ang ballpen habang nagbabasa ng papel. Para bang bumagal ang oras.  Napalunok ako ng bigla na lamang kumalabog ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Ano ba itong nangyayari? Napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit ko ba ’to nararamdaman?

"Nahanap mo na ba ’yong ipinapahanap ko?" Bumalik ako sa reyalidad at napakunot ang noo. Nakalahad ang palad niya kaya naman ipinatong ko ang paper bag sa kamay niya. "Bakit—Ms.Ross?" I smiled awkwardly. "What is this?" Ibinaba niya ang paper bag sa table.

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now