Episode 10

122 6 0
                                    

Episode 10:



CHARLOTTE





Nakatingin lang ako sa dalawang tao na magkayap do’n. Kung gano’n talagang magkakilala talaga silang dalawa. Narinig ko ang lahat ng sinabi ni Flair sa kanyang ama, kung paano siya mapaluhod sa harapan ni Peach.



Kahapon nailibing si Mamita at hindi pa ako sure kung talagang maayos na si Peach. Ngayon meron na naman siyang problema. Ano ba talaga ang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit si Peach? Ano ang kasalanan niya kay Peach?



Talagang hindi niya deserve ang mga bagay na ’yon. Hindi deserve ni Peach ang masaktan nang masaktan dahil lang sa mga taong nakapaligid sa kanya. Lalong lalo na ang saktan siya ng taong pinagkakatiwalaan niya.




"Oh my god!" She exclaimed. Nilingon ako ni Peach kaya napakunot noo ako. "Chary!" Agad na lumapit ako sa kanila.



"What happened?" Tiningnan ko si Flair na walang malay. Nawala ang inis ko dahil sa sitwasyon.



"S-she collapse."



"Ambulance! Tumawag ka ng ambulansya!" Hinawakan ko siya at tinatapik ang pisngi. Tumayo naman si Peach at tumakbo papunta sa kwarto namin.



Napakaputla niya. Sinimulan na rin akong kabahan at ngayon na lang ito nangyari sa akin. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ito. Hindi naman dapat ako nag aalala sa kanya ng subra e. Kailan ko lang siya makausap.



Nang biglang may humawak sa kamay ko at nang makita ko kung sino ’yon nakahinga ako ng maluwag. Umupo siya sa tabi ko.



"She'll be fine." Kalmadong sabi niya. "Kinakabahan ka?" Lumayo ako sa kanya bago umupo sa waiting area. "Sabi mo hindi kayo close." Tiningnan ko siya.


"Hindi ako kinabahan, nag-alala lang ako sa sitwasyon niya. Isa pa magkakilala lang kami, hindi kami magka-close." Nagkibit balikat siya.



Napatayo naman kami ng biglang lumabas ang doctor na tumingin kay Flair. Agad kaming lumapit sa kanya. Tumingin si Peach sa akin kaya inismiran ko siya.



"Kayo ba ang kasama niya?" Tumango kami."Nasaan ang parents niya?" Tanong niya. "I need to talk her parents."



"Kapatid niya po ako." Biglang sabi ni Peach. "Step-sister po. Wala po ang parents namin. Nasa ibang bansa po talaga ang mga magulang namin." Mahabang litanya niya.



Sinungaling.





"Gano’n ba? Maayos na ang kanyang lagay. Bumalik na sa normal ang heart rate niya. Ililipat na rin namin siya sa pribadong silid, sumama ka na lang sa akin at may papipirmahan lang ako." Tumalikod na ang doctor. Nilingon naman ako ni Peach at kinindatan.



Ibang klase rin ang taong ’yon.



Matapos kong tawagan ang kaibigan ni Flair na si Hailey, sumunod na ako sa kanyang private room. Pagpasok ko nakita ko kaagad siya na naka-oxygen. Pumasok naman na si Peach at tumingin sa gawi ni Flair.



"Paano kayo nagkakilala?" Umupo siya sa sopa at tumingin sa gawi ni Flair.



"She's my bestfriend." Natigilan ako.


"Really?"


"Limang taon."



"Bakit gano’n na lang ang iyak niya kanina? Para bang ang laki laki ng kasalanan niya sa iyo."



She Owns My Lips || (Completed) ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon