Episode 15

104 5 0
                                    

Episode 15:



CHARLOTTE




Alas-sais pa lang ay andito na kami ni Flair sa campus. Inasikaso ko rin ang mga gagamitin katulong sina Grae at Jam. Sila ang napili ko na sasama sa akin sa Aristotle. Si Shea naman kinakausap ang ibang president ng club while Flair kasama niya ’yong mga kaibigan niya. Tumingin ako sa aking cellphone.


"Good morning, andito na ba ang lahat?" Tanong naman ng council teacher namin. "Once I call your club name say present, okay?"



"Yes, Ma'am." Sagot ng mga nakakarami.


"Archery Club?"


"Present." Sagot ni Shea.


"Art Club?"


"Present." Saad ni Flair.


"Non-human Photography club?"


"I'm here, ma'am." Makwelang saad noong kaibigan ni Flair, bakla ata ’yon.


"Music and Dance Club?"


"Present, Ma'am." Sagod ng President nila.


"Theater Club?" Tumaas ang kamay ni Cruz.


"I'm here."



Marami pang tinawag hanggang sa makompleto kami at bumyahe na patungo sa Aristotle. Mahigit kumulang isang oras at kalahati ang binyahe naming lahat. Nang makarating naman kami ay agad na pumasok kami sa campus. Hindi ito ang unang beses na makakapasok ako rito. Maraming mga estudyante ang nakatingin sa amin.



"Mga dahon ’yong estudyante rito." Napatingin ako kay Shea.


"Kaya nga. Ang tingkad ng kulay." Sulsul ni Grae.


"Mukhang malinis naman tingnan ang kulay berde a." Singit ni Jam. Tumingin lang naman ako kina Flair at Hailey.



Hindi niya ako iniimikan. Simula pa kanina kahit kasabay ko siya sa pagpunta sa campus. Kasalanan ko rin naman kasi ’yon. Kung hindi ko ba naman siya hinalikan ng bigla e ’di hindi sana aabot sa ganito. Tahimik lang akong hanggang sa makarating kami sa conference room. Pumasok na rin ang iba pang mga council ng Aristotle kabilan na ang mga Santillan at Alcantara.




"Hello." Bati niya sa akin. "Hanggang ngayon ikaw pa rin ang council president ng PU. Hindi ka nga talaga nila binibitawan." Tipid akong ngumiti.



"By the way this is McKenna Santillan, my cousin." Graduating na nga pala siya ng College. Inilahad niya ang palad sa akin.



"I'm Charlotte Reyes, campus president of Pierce University."


"Ikinagagalak kitang makilala." Ngiting saad naman niya.


Nagpakilala sa amin ang ibang council ng Aristotle. Ini-tour nila kami sa iba’t ibang club at masasabi ko naman na maayos sila. May masusungit lang pero hindi naman na bago sa akin ’yon.  Andito ako ngayon sa café hinahanap ko si Flair pero wala naman siya.



"Si Flair hinahanap mo?" Napatingin ako kay Cruz.



"May kikitain daw siya." Tumango naman ako. Sino ba ang kikitain niya? Si Kian Santillan na naman ba? Napatiim bagang naman ako’t tumayo.



"Oh?" Napatingin ako kina Shea, Grae at Jam na pare-parehong natigilan.



"Saan ka President?"



She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now