Episode 24

86 5 0
                                    

Episode 24:


CHARLOTTE




"D-dito ka matutulog?" Gulat na tanong niya sa akin. Matamis na ngiti ang isinagot ko sa kaniya.



"Bakit masama bang matulog rito?" Tanong ko sa kaniya.



"H-hindi naman pero..." Lumipat ang tingin niya kay Peach na nakamasid lang sa amin habang kumakain ng pizza. "Ayaw mo bang natulog kay Peach?" Umiling ako.


"Ayaw ko. Malikot sa kama ’yan, gusto ko rito sa apartment mo. Nagsabi naman na ako kay Dad na matutulog ako sa bahay ng nililigawan ko." Mahinahong saad ko dahilan upang mapaiwas siya ng tingin. Namumula na naman siya.



"Lord, kunin niyo na po itong dalawang lovebirds na naghaharutan sa harapan ko. Wala silang galang sa pagkain." Matabang na saad ni Peach.



"Bakit ba kasi hindi ka pa umuwi sa bahay niyo?" Nangunot ang noo ni Flair. "May pasok ka pa bukas ’di ba?" Inirapan ako ni Peach.



"For your information pare-pareho lang tayong may mga klase bukas. Kayo nga itong binulabog ako sa bahay ko eh. Gagawin niyo lang pala akong third wheel. Makaalis na nga." Tumayo na siya’t isinara ang kahon ng pizza bago iyon binitbit. "Akin na ’to tutal busog na busog naman na kayong dalawa ng mga salita niyo," saad niya bago naglakad palabas ng apartment ni Flair.



Nang tumunog ang pintuan ay nagkatinginan kami ni Flair at sabay na natawa. Tumayo ako’t umupo sa tabi niya bago ngumuso. Papa-cute muna ako para pumayag siya na dito na ako matulog.



"Please, behave lang ako." Nangunot na naman ang noo niya.



"Hindi naman ata ikaw si Charlotte." Tumaas ang kilay ko. "Ang clingy mo. Baka mamaya sa una ka lang magaling tulad ng mga lalaki." Mabilis akong umiling.



"Magaling ako hindi lang sa una." I perverted said. Umiwas siya ng tingin.



"S-shut up." Halos magkabuhol buhol na ang dila niya. Natawa ako ng bahagya. She's so adorable. Bakit nga ba ganito ako ka-clingy ngayon na hindi ko naman dapat ginagawa? Hindi ko rin alam, ang alam ko lang ay magiging akin na rin siya. Not now but soon.



Sa huli sumuko rin siya at pumayag na dito matulog sa apartment niya. Binalingan ko siya, tuwid na tuwid si Flair habang nakalagay ang isang kamay sa dibdib kaya tumagilid ako paharap sa kanya.


"Malawak naman itong kama mo isa pa wala naman akong gagawing masama sa ’yo." Tumingin siya sa akin at bahagyang kumibot ang labi.



"Talaga?" Ngumiti ako’t tinanguan siya.



I pouted, "Bakit parang iniisip mo na may gagawin akong masama sa iyo?" Naging malikot ang mga mata niya’t muling tumingin sa kisame.



"H-hindi naman sa ganoon, naninibago lang ako." I smiled and moved closer. "Dati kasi hindi ka pa noon nanliligaw sa akin." Hinawakan ko ang pisngi niya't niyakap siya. She froze. Naririnig ko rin ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.


Gaano kaya kalakas ang epekto ng presensya ko sa kanya? Mabilis din ang tibok ng aking puso ngayon, tulad noon. Siya naman palagi ang dahilan. Paano nga ba nagsimula?



"Ako ata ang unang nahulog sa ating dalawa." Napatunghay ako. She bit her lower lip.



God, I want to bit your lips too.


"Hmm?"


"Akala ko kasi naglalaro ka lang. Isa pa si Wil, he's courting you right? Ano ang laban ko sa lalaki? And last time I checked, straight pa ako." I chuckled.



She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now