Episode 28

74 3 0
                                    

Episode 28:


FLAIR




A days past palagi kaming sabay na kumain, medyo nagiging busy na rin siya at kahit ako. Patapos na ang first sem kaya naman kinakabahan na ako. Paalis na siya pagkatapos nitong sem.


"Namimiss mo na si Charlotte?" Napaangat ako ng tingin kay Jazzfer. Nagkaroon na rin sila ng closure. Sa harapan ko pa nga inamin mismo ni Jazzfer na hindi siya ang humalik no’n sa janitor's room.


Alam na rin naman ni Charlotte ang totoo. Sinabi pa nga niyang ako talaga ’yong humalik sa kanya noon sa Janitor's room.


"Oo."


"Don't worry, hindi ka naman niya miss." Inirapan ko siya pero tumawa ito. Kahit papaano nahuhuli ko na ang ugali niya pero hindi ko pa rin siya mapapatawad dahil sa paghalik niya kay Charlotte.

"Miss niya ako." Ngiwing saad ko.

"Oo na. Ano bang laban ko sa babaeng mahal na mahal niya?" Pang aasar niya pa.

"Alam mo s’werte ka na kay Charlotte." Tiningnan ko si Wilbert. "She's always checking her cellphone kapag hindi ka niya nakikita. Makikita ko pang nakangiti ’yon kapag nababasa niya ang messages mo." Napaiwas ako ng tingin sa kanya.


"Hay naku! Sana ako na lang ikaw." Napatingin ako kay Jazzfer. "Palagi kaya akong nakaabang sa kanya naghihintay na baka sakaling makita niya ako."


"Alam mo pinsan ipinanganak tayo para sirain ang relasyon nila. Hahahaha!" Binato naman siya ni Jazzfer.


"Ako tanggap ko na wala akong pag asa kay Charlotte. Ikaw ba, Wil?" Tanong niya sa pinsan niya.

"Natanggap ko na rin malapit na nga akong mag-move on." Natahimik na lang ako at iniisip pa rin ang mga nangyari. He's courting Charlotte for a months tapos tumigil na lang siyang bigla.

Bigla namang tumunog ang speaker na ikinatigil naming lahat na naandito sa café.


"Uhurm!" That was Charlotte's voice.


"Problema nito?" Rinig ko namang tanong ni Jazzfer at kumunot ang noo.


"I am your Council President Charlotte Reyes. I'm announcing that this coming friday matatapos ang campaign ng bawat partido, sa Monday magsisimula ang election. Congratulations sa mga mananalo. Salamat."


Habang palapit nang palapit ang eleksyon, mas palapit nang palapit ang plano niyang pag-alis at pag aaral sa ibang bansa. Hindi pa nga siya umaalis e namimiss ko na kaagad siya.


"Flair, samahan mo naman ako." Tiningnan ko si Hailey. "May ipinapabili sa akin si Franz e, wala akong kasama." Kinuha ko naman ang bag ko’t tumayo.


"Tara." Tumingin ako sa kanila. "Pasabi na lang kay Charlotte kasama ako ni Hailey."

"Ingat."



Pumunta kaagad kami ni Hailey sa mall para bumili ng mga tela. May play daw ang mga junior ng Florante at Laura. Pagkatapos naming mamili e pumunta kami sa National bookstore.


"Pili ka." Napakurap ako’t napatingin sa kanya. "Pa-advance gift ko sa iyo." Kuminang ang mga mata ko habang nakatingin sa mga art materials na nasa harapan ko.

"Totoo ba?"

"Oo nga. Pumili ka na." Tumango nanan ako. "May bibilhin lang ako." Sabi niya bago ako iniwan.

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now