Episode 34

66 3 0
                                    

Episode 34:


FLAIR



Pagkabukas pa lang ng pintuan nang aking unit agad na itinulak niya ako papasok. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Hinawakan niya ang panga ko’t agad na sinunggaban ng halik. Itinulak ko pa siya pero hindi naman siya natinag, mas idiniin pa niya ang paghalik sa akin dahilan upang lumikha ako ng mahinang daing. My mouth opened when she bit my lips and now she's — her tounge.



"Ngh..."



Napakapit ako sa batok niya, tumama ang likod ko sa cabinet at ginantihan ang paggalaw ng mga labi niya. Naramdaman ko rin ang kamay niyang humihigpit ang pagkakahawak sa bewang ko. She pull me closer. Wtf!? 911!




"C-charlotte—ahhh!" Daing ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa hita ko. "S-stop!" Kailangan ko siyang pigilan. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito. Bumaba ang labi niya sa leeg ko’t nakaramdam ako ng kaunting hapdi. Ibinalik niya ang labi niya sa labi ko bago lumayo sa akin.



Napaupo ako sa sahig dahil sa nangangatog kong mga tuhod. She's making me insane. Inilapat ko ang likod ng aking palad sa labi ko bago ako nag angat ng tingin sa kaniya. She licked her lips dahilan upang napaawang ang labi ko’t umiwas ng tingin. Subrang bilis nang pintig ng aking puso.



"I told you once. Sabi ko kapag sumama ka kay Moncláveir hindi mo magugustuhan ang gagawin ko...well." Ngumisi siya sa akin. "Mukhang nagustuhan mo naman." Humawak ako sa gilid ng cabinet bilang suporta bago tumayo’t masama siyang tiningnan.



"Stop doing this." Matigas na saad ko.


"You can't stop me, Flair. Kung ano ang kay Charlotte, kay Charlotte lang." Napakuyom naman ako. Gusto kong umiyak.



"Hindi mo ako pag aari, Charlotte." Natigilan naman siya. "Matagal na. Kalimutan mo na ’yong pangako mo. Hindi na rin naman natutupad ’yon."


"Sino namang nagsabi na hindi matutupad ’yon? Akala mo ba hindi ko ’yon tutuparin dahil lang hiniwalayan kita? Oo nga’t hindi ako nagisip noon, nagdesisyon ako dahil ikaw ang iniisip ko." Natigilan ako. "Ayaw kong mahirapan ka, malayo tayo sa isa’t isa. Maraming nakaatang na responsibility sa akin noong mamatay si Daddy. Sa tingin mo ba ginusto ko ’yon?" Ikinuyom ko ang aking palad.



"Ginusto mo ’yon, pinili mo akong pakawalan dahil choice mo ’yon. Nagdesisyon ka para sa sarili mo. Mahal kita at kaya ko namang maghintay e pero dahil sa ginawa mo gusto kitang kwistyunin. Gusto kitang tanungin kong minahal mo ba talaga ako? Bakit ang bilis bilis mong itapon ang lahat?"




"Alam mong mahal kita." Natigilan ako. "Kaya lang ng mga panahon na ’yon akala ko kapag sinabi ko ’yon mananatili ka pa rin sa tabi ko." Natigilan ako. "Akala ko hindi ko hindi mo ako tatalikuran, akala ko mananatili ka sa tabi ko. Gusto kitang habulin pero naduwag ako, bakit? Bakit ang bilis mong sumuko?" Nakita ko ’yong luhang pumatak mula sa mga mata niya. "Nang yakapin mo ako, gusto ko huwag kang bumitaw. Gusto ko sa tabi lang kita. Ikaw ang lakas ko noon e." Nasapo ko ang mukha ko. Hindi ko alam.



"I'm sorry."



"Pero hindi mo naman kasalanan ’yon, Flair. Dahil kung hindi sana ako nagdesisyon hindi mo naman gagawin ’yon." Pinahid niya ’yong luha niya at lumapit sa akin.


Sinapo niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang palad. Masuyo niya akong hinalikan sa noo at niyakap.


"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Hindi nagbago ’yon."


She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now