Episode 29

80 3 0
                                    

Episode 29:

FLAIR



Tatlong buwan na rin ang nakakaraan simula nang umalis si Charlotte. She's always texting and calling naman para makapag usap kami. Minsan naman nakakatulugan na lang namin ’yong call kapag pagod kaming pareho. Lumipas na rin ’yong birthday ko at dumating naman siya, hindi ko nga alam na makakarating siya isa pa hindi ko naman alam na inggrande rin ang 18th birthday ko. Akala ko isang simpleng handaan lang kasi hindi ko naman talaga balak magpa-party.


"Hindi raw makakapasok si Hailey ngayon." Natigilan naman ako.


"Bakit? Nasaan ba ang bruha na ’yon?" Tanong ni Franz.

"Sabi niya nasa isla siya pero hindi niya sinabi kung saang isla at kung sino ang kasama niya. Gumawa na lang daw tayo ng alibi sa mga teachers na’tin para ma-excuse siya." Tumingin sila sa akin.

"Oh?"

"Ikaw na gumawa, matalino ka naman." Ngumisi si Marky sa akin, napailing na lang ako. "Tatawag raw jowa mo, sis." Napakurap ako. "Asan ba phone mo?"


"Lowbat."


"Oh, gamitin mo." Iniabot niya ang cellphone niya sa akin pero hindi ko tinanggap. "Bakit? Ayaw mo bang kausapin si Charlotte? Nag away ba kayo?" Umiling ako.


"Wala ako sa mood. Sabihin mo marami akong ginagawa." Hindi na sila nagtanong pa.


Wala akong problema. Last time na nag usap kami ayos naman kaming dalawa. Tapos noong isang kagabi bigla na lang niyang sinabi na parang hindi niya raw kaya ’yong gano’ng set up. Gusto niya raw ng pahinga, p’wede naman siyang mamahinga ng hindi kami naghihiwalay. Nakakasama lang ng loob kasi bigla bigla siyang nagdedesisyon. Pinag usapan pa namin na kahit ano ang mangyari pag uusapan naming dalawa at sabay na aayusin. Hindi lang kasi siya nag iisa sa relasyon na ’to, dalawa kami pero palagi siyang nagdedesisyon ng hindi ko alam.


Hindi ko siya kayang tiisin pero kinakaya ko ngayon. Kagabi hindi ko rin siya tinawagan, kagabi pa rin patay ang cellphone ko. Ayaw kong mauwi sa away ’yong kaunting hindi pagkakaintindihan. Hindi ko rin binuksang maghapon ang cellphone ko, patay ’yon hanggang sa matapos ang klase namin sa buong maghapon. Nang buksan ko sunod sunod na mensahe ang dumating, mayroon ding missed calls.


Tumawag ako sa kanya pero hindi naman siya sumasagot. Nagmessage na ako pero hindi naman siya nagrereply, sinubukan ko ring tawagan si Peach pero unattended siya. Sinimulan na rin akong kabahan. May nangyari ba? Sana naman wala. Tatawagan ko sana si Shea pero siya 'yong nauna. Mabilis ko ’yong sinagot.


"Shea—"

"Mag impake ka, Flair. Aalis tayo."

"Ha?"

"Pupunta tayo sa Mexico. Mag impake ka na. Dadaan ako d'yan, bilisan mo." She ended the call. Mabilis naman akong nag impake, nagbihis na rin ako. Kinuha ko rin ang passport ko.


Nang matapos ako saktong dumating si Shea. Umalis rin kami, nagmamadali kami. Hindi rin siya mapakali. Panay din ang tingin niya sa kanyang cellphone. Hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na mag isip. Wala naman sigurong nangyari kay Charlotte.


"Shea, ano bang nangyari?" Hindi niya ako sinagot. Nakasakay na kami rito sa eroplano ngayon. Halatang hindi rin siya natulog dahil sa maitim ang ilalim ng mata niya. "Shea, kausapin mo naman ako. Bakit ba tayo pupunta sa Mexico? May nangyari ba kay Charlotte?" Sa wakas ay tumingin siya sa akin.


"Wala." Malamig niyang saad.

"Bakit tayo pupunta sa Mexico?"

"Patay na ang Daddy ni Charlotte." Nanlamig ang buong katawan ko. "Kagabi, pumanaw si Tito Pierce." Natulala naman ako. Kaya ba gusto akong kausapin ni Charlotte kanina sa school habang gamit ang cellphone ni Franz? Kaya ba marami siyang missed calls? Ang texts niya? Wala naman ’yong laman, she's just saying my name.




Hindi ko alam.




Nang makarating kami sa Mexico ay may sumalubong sa amin. Nang makarating ako sa bahay ni Charlotte bumungad ang malamig na simoy ng hangin, marami ring tao doon. Agad na hinanap ng mga mata ko si Charlotte pero si Peach lang ’yong nakita ko. Si Charlotte.


Asan si Charlotte?

"Flair..." Nilapitan ako ni Peach at niyakap.


"Si Charlotte? Where's Charlotte?" Hinawakan niya ang kamay ko.


"Nasa kwarto siya. Nag-collapse si Charlotte kanina. Kagabi pa siya walang tulog. B-bakit ba hindi ka niya ma-contact?" Napayuko ako’t tumulo ang luha.


"G-gusto ko siyang makita." Hinawakan niya ako sa kamay at isinama sa silid ni Charlotte. Wala siyang malay doon habang nakahiga. Iniwan naman kami ni Peach. Umiyak ako’t hinaplos ang mukha niya.


Miss na miss ko na siya.


"I'm sorry, Love." Napahagulhul naman ako. "I'm sorry, h-hindi ko dapat pinatay ’yong phone ko. Patawarin mo ako, Charlotte. H-hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry, Love." Paulit ulit na paghingi ko ng tawad sa kanya habang umiiyak.

Naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya. Mas lalo lang bumuhos ang luha ko’t niyakap siya. Hinagod niya ang likod ko habang umiiyak ako.

"I'm sorry, Charlotte."


"Shhh, don't cry. It's okay, it's not your fault." Mahinang saad niya. "I'm sorry too." Umiling ako.


"Hindi ko alam. Kung sana kinausap kita kanina sana mas napaaga ’yong punta ko rito." Hinawakan niya ang pisngi ko.


"No. It's not your fault. Ayos lang, Flair."

Tumagal ako rito sa Mexico ng isang linggo. Kasama ko sina Shea at Peach. Isang linggong malamig ang pakikitungo ni Charlotte sa akin, alam ko naman na marami siyang iniisip at nagluluksa siya. Lalo pa’t kalilibing lang ni Tito Pierce.


"Uuwi na tayo." Napatingin ako kay Shea. "Nakausap mo na ba si Charlotte?" Umiling ako. "Gusto mo bang samahan kita sa kwarto niya?" Umiling ako.


"Ako na lang. Kailangan rin naming mag usap." Tumango siya’t tinapik ang balikat ko.


Kumatok ako sa loob ng kwarto ni Charlotte at pinihit ang doorknob. Nakaupo siya sa harapan ng salamin, nakita kong mugto ang mga mata niya. Hindi pa ako nakakahakbang palapit sa kanya noong magsalita siya.


"Maraming naiwan si Daddy sa akin." Natahimik naman ako. "Sa tingin ko mas magiging abala ako." Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. "Hindi ko kayang pagsabayin ang pagmamanage ng company, pag aaral at ang relationship na’tin." Lumunok ako’t tumingala para hindi tuluyang bumagsak ang luha ko.


"Y-you want break up?" Hindi siya nagsalita. "I-I understand, Charlotte." Mariin akong pumikit.


"I'm sorry."


"H-hindi mo naman kasalanan ’yon. Siguro hindi lang ngayon." Hinubad ko ’yong singsing sa daliri ko at lumapit sa kanya bago ipinatong ’yong sa gilid niya. Pumatak ang luha ko. "I'm now letting you go, Charlotte. Palagi mong tatandaan na proud ako sa iyo. G-goodluck sa journey mo." My voice cracked. "I love you so much." Hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit.


"I'm sorry."


Lumayo ako sa kanya at pinahid ang mga luha na lumabas sa mga mata ko. "Pauwi na kami sa pilipinas."


Bumaba ako ng hagdanan. Tumingin sa gawi ko si Shea at tumango ako. Nang makalapit ako sa kanya ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Nag aalala siyang tumingin sa akin pero nginitian ko siya.

"Magiging okay rin kami." Mahinang saad ko’t pinahid ang luhang pumatak.


"Flair..." Nilingon ko si Peach.


"I'll be okay." Niyakap naman niya ako.


"Flair."



"It's hurt." My voice broke. "It's hurts."







_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now