Episode 7

114 6 0
                                    

Episode 7:


CHARLOTTE




Tatlong araw ang lumipas at ngayon nagsimula ang festival. Tatlong araw na rin simula noong nagtapat si Wilbert sa akin at lumalabas na rin kaming dalawa.




Nabalitaan ko na sumali si Peach sa isang play na gaganapin mamaya sa theater room. Inilagay ko naman ang pardibli sa pulang tela na nasa braso ko. Lahat ng council may mark na ganito. Just incase na may mangyaring gulo alam kung sino ang lalapitan. Lumabas ako ng council room at naglakad lakad na muna sa hallway. Tulad ng inaasahan maraming mga outsider ang makakapasok.



Tumigil ako pero may nakabangga sa akin. Napaupo pa nga siya kaya naman mabilis na inilahad ko ang aking kamay sa kanya. Nahiya pa nga siyang abutin.



"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin kaya naman nag-angat siya ng tingin sa akin. Napatitig ako sa kanyang mukha. "Are you okay?" Tango lang ang naging sagot niya. Tumingin ako sa uniform na suot niya at nang makita ko ang logo napatango ako. "Taga-Rascal ka pala. Salamat sa pagpunta." Mapakurap siya.


"Ah—" Napatingin siya sa braso ko. "Naku po! Sorry!" Paulit-ulit na yumuko siya kaya naman natawa ako’t pinigilan siya.



"Ayos lang. May humahabol ba sa ’yo?" Umiling siya.


"Iniwan kasi ako ng mga kasama ko, kaya naman nawawala ako." Mahina akong natawa.


"Ako ang bahala."




Sinamahan ko siya na hanapin ang mga kasama niya at natagpuan naman namin. Nakita ko pa ang kapatid niya na kamukha rin naman niya. Russel ang pangalan pero babae, siya naman ay Rakki. Akala ba ng mga magulang niya lalaki sila at dalawang beses na nagkamali.



Umikot ako sa may likod ng faculty. Wala namang mga ligaw na adik. Natigilan din ako ng makita ko si Shea kausap ang isang HUMMS student. Para bang masinsinan silang nag uusap.

Napakibit balikat na lang ako at hinayaan sila. May nakita naman akong nakakalat na mop kaya kinuha ko ’yon at naglakad patungo sa janitor’s room. Walang tao masyado rito kaya naman okay lang.



Pagpasok ko, hinanap ko kaagad ang tamang lagayan ng mop nang makita ko bigla na lang namatay ang ilaw kaya nabitawan ko ’yon sa pagkagulat. Napakadilim.




BLAG!




Nanlaki ang mata ko dahil sa nangyari. May malambot na kung ano ang lumapat sa aking labi kaya naman mabilis na itinulak ko ang taong ’yon.

"H-hey—" Mas dumikit siya sa akin at tinakpan ang bibig ko.



May mga anino namang dumaan sa labas ng pintuan nitong janitor’s room. Nang tumahimik na doon lang siya lumayo sa akin. May sinabi siya pero hindi ko naman narinig.



"Who are you?"



Narinig ko ang mga yabag niya palayo kasabay ang pabukas ng ilaw. Naamoy ko ang pabangong ginamit niya at kung hindi ako nagkakamali, pambabae ang pabango na ’yon.



Natigilan ako at dahan dahang hinawakan ang aking labi. What the heck!? May babaeng humalik sa akin? At kung gano’n sino? Napatingin ako sa sahig at may nakita akong hair clip. Sinimot ko ’yon.


So, it's a girl.


Lumabas ako at nagmadali. Natigil lang ako ng makita ko si Peach. Nakatingin siya sa gawi ko. Mugto ang mga mata kaya naman mabilis ko siyang nilapitan at isinantabi na lang muna ang sariling problema. Inilagay ko sa aking bulsa ang clip at tiningnan si Peach.




"You okay?" Bigla na lang niya ako niyakap kaya naman niyakap ko siyang pabalik. "Peach." Hinagod ko ang likuran niya. "What happened?" Tanong ko sa kanya.



"Si Grandma kasi..." Bigla na naman siyang umiyak.



"What happened?"



"W-wala na siya... wala na si Grandma, Chary." Napaawang ang labi ko. Hindi ko inaasahan ito, ilang araw pa lang ang itinatagal ni Peach dito pero may problema na kaagad siya.



"W-where is she? Is she here?" Umiling siya.



"N-nasa Paris siya. Chary, samahan mo ako ako bumalik tayo sa Paris." Tumango ako't niyakap naman siya.





Naaawa ako sa mga nangyayari sa kanya.





"Pupunta kang Paris?" Napatingin ako kay Shea. "At kailan ka babalik?" Nilapitan ko naman siya at hinila palabas. Katutulog lang kasi ni Peach dahil magdamag siyang umiyak, umidlip siya pero pagkagising umiyak na naman.




"Pabalik din naman ako."



"Kailan nga!" Asik niya.



"Kapag na-ilibing na si Mamita." Napailing naman siya.



"How about your studies? Paano kung buwan?" Napahawak naman ako sa noo ko.



"Shea, hindi tumatagal ng isang buwan ang funeral." Umikot ang mata niya.


"Paalis ka pa rin."


"Gusto ko ring makita si Mamita. Parang pamilya ko na rin siya." Tumango naman siya sa akin.


"Alam na ba ni Dean ito?" Tumango naman ako.


"Si Grae na muna ang bahala sa council. Siguro pagkalipas ng isang linggo naandito na rin kami ni Peach." Tumango naman siya.



"Ikaw na ang bahala kay Peach." Tinapik ko siya.


"Ako na ang bahala sa kanya. Huwag kang mag-alala."



Napatingin naman ako sa taong nasa may terrace. Tinapik ako ni Shea at pumasok na sa loob. Ibang klase rin. Nilapitan ko naman si Flair na saktong napalingon sa akin.




"Hey..." Tumabi naman siya kaya naman sumandal ako sa railing. "Paalis pala kayo.." Tumango naman ako. "Ingat ka ro’n."



"Oo naman hindi naman kami magtatagal." She just chuckled.


"If you say so."


"Congrats, nga pala kahapon." Napangiti siya at napayuko.


"S-salamat."



Natigilan naman ako dahil sa pamilyar na amoy. Naalala ko ’yong humalik sa akin sa janitor’s room.



"Ayos ka lang?" Tanong niyang bigla.



"A-ah, oo naman." Mapakla akong ngumiti sa kanya.



"Sure ka?" Tumango ako. "Okay." Tumingin siya sa labas, "Kailan ang flight niyo?" Muling tanong niya.



"Mamaya. Naka-private plane naman kami." Tumango naman siya.



"Kaya pala chill ka lang." Natawa ako. "Nakikiramay din pala ako." Tumango ako.



Matapos ang usapan naming ’yon nagpaalam na ako sa kanya. Makaraan pa ng ilang oras may dumating na para sunduin kami. Nagpaalam muna ako kina Papa. Si Mama ang sabi niya mauuna na lang daw sila ni Tito dahil gusto niyang makita ang kanyang ina na wala na.

Sumakay kami ng private airplaine, habang nasa byahe kami hindi pa rin mapigilan ni Peach ang umiyak. Awang-awa na ako sa kanya.

Nang makarating kami sa Paris ay umaga na pero sa halip na magpahinga si Peach dumiretsu siya kay Mamita at umiyak. Inalo ko na lang siya hanggang sa makatulog sa mga bisig ko.


Ngayon ko lang nakita na maging ganito si Peach. Palagi ko kasi nakikita ang mga masasaya niyang ngiti. Tawa at pang-aasar niya kaya lang biglang naglaho 'yon. Mugto ang mga mata niya, kahit ilang araw lang ’yong nakakalipas malaki na kaagad ang ipinayat niya.


"Si Mamita siya lang ’yong andyan para damayan ako sa t’wing pinagbubuhatan ako ng kamay ni Mom, kapag ikinukulong ako. Kapag nagb-breakdown ako." Hinawakan ko ang balikat niya.


_________________________________

:)

She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now