Episode 36

99 3 0
                                    

Episode 36:


FLAIR





"Ouch, ang dami namang langgam!"



Napatingin ako kay Jazzfer. Sina Felix at Marky naman ay natatawa lang habang kumakain. Sina Shea at Hailey ay naguusap sa labas ng café.


"Inggit ka, cous?" Ngising tanong sa kanya ni Wil.



"Hindi. Soon, makakahanap rin ako n’yan." Umisod ako ng kaunti palayo kay Charlotte. "Nga pala may napapansin pa kayo kina Shea at Hailey?"



"Naku, bakla. Matagal na naming napapansin na may something sa dalawa na ’yon. Itong si Hailey makunat lang talaga, hindi kayang umamin." Komento ni Felix.



"Korek, halatang halata naman na may feelings sila sa isa’t isa." Segunda ni Marky.



"Ako na lang single dito kapag nagkataon." Jazzfer sighed.



"Andito ako, pinsan. Hindi ka nag iisa." Natawa naman ako. "Eh, kayong dalawa?" Baling sa amin ni Wil.



"Ano’ng meron?" Tanong ko.


"Kayo na ba ulit?" Natigilan ako sa tanong ni Felix. "Kasi kung kayo na ulit, akin na lang si fafa Khan." Natawa naman ako.



"Sige akin na lang si Cynthia." Pumitik si Wil sa ire.



"Babae gusto no’n, dapat maging si Flair ka muna bago ka magustuhan no’n," saad ni Jazzfer.



"Hindi naman kami." Natahimik silang lahat at sabay sabay na tumingin kay Charlotte. "Hindi pa."




"Yown!"



"Akala ko naman..."



"Talagang umaasa ka?" Napalingon ako. Nakita ko sina Hailey at Shea na magkasunod. Si Hailey rin ang nagtanong.




"Why not?"


"Mas gugustuhin ko pang si Moncláveir ang makatuluyan niya kesa bumalik sa taong nanakit lang sa kanya at dahilan kung bakit muntik na siyang bumagsak noon." Natahimik naman ang lahat.



"I felt sorry for that." Mapaklang natawa si Hailey.



"It's not her fault." Nagsalita si Shea. "Sana naiintindihan mo ang side ni Charlotte."



"Naiintindihan ko. Si Flair pa rin naman ang magdedesisyon para sa sarili niya, ang kailangan ko lang gawin bilang kaibigan ay ang suportahan siya." Nakahinga naman ako ng maluwag. "Pero naiinis pa rin ako sa iyo, Charlotte." Aniya’t umupo sa tabi ni Wil.



"Ang intense naman. Nakakatakot ka talaga minsan, Hailey." Pinaypayan ni Felix ang sarili niya.



"Hindi lang sampal mararanasan ni Flair kapag naulit na naman ’yon." Inirapan ko naman siya.



"Ayaw ko makakita ng nagaaway." Sabat ni Jazzfer. "Dadalhin ko kayo sa gyera kapag nagkataon." Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag ikot ng kanyang mata.



"Hindi na kayo mga bata. Magbago kayo." 



Hinawakan ni Charlotte ang kamay ko sa ilalim ng lamesa kaya napatingin ako sa kanya. Tahimik lang siya habang nakikinig sa kwentuhan no’ng lima. Nang magkasakit siya’t inalagaan ko siya marami akong na-realize. Kung may pagkakataon pa, aalagaan ko talaga siya. Hindi ko siya iiwan ulit.



She Owns My Lips || (Completed) ||Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ