Episode 39

131 4 0
                                    

Episode 39:


CHARLOTTE




Napatingin ako sa ibaba. Nakita kong nag uusap sina Hailey at Flair, mukhang nagtatalo pa sila. Bumuntong hininga ako pero may humawak sa kamay ko.



"Shea..."




"Kailan mo aayusin ’yong sa inyo ni Flair?" Natigilan ako. "Kampante ka nang ganyan? Para saan pa‘t pinabantayan mo siya sa akin kung hindi mo naman pala siya kukunin ulit?"



"Hindi ngayon."



"Kailan? Kapag huli na naman ang lahat? Get her back, Charlotte. Huwag mong hayaan ang mga desisyon mo mismo ang gagawa ng paraan para tuluyan siyang mawala sa iyo."



"Okay naman kami. Hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula. Matagal akong nawala, pinili kong iwan siya noon. Nagawa niya na akong ipagtulakan palayo. Babalik pa ba siya sa akin?"



"The way she looked at you, sa t’wing natataranta siya kapag malapit ka. Alam kong may impact ka pa rin sa kanya. Alam kong mahal ka pa rin niya. Kung sa tingin mo hindi ka na niya mahal bakit niya pinatigil sina Khan at Alicia sa panliligaw sa kanya?" Natigilan ako.


"What do you mean?"


"Sinabi sa akin ni Jazzfer na hindi na nanliligaw pa sina Alicia at Khan kay Flair. Akala ko nga nagkabalikan na kayo." Natigilan ako't natawa.



"That girl."


"Make a move okay! Win her back!" She said. Niyakap ko naman siya.


"Love you, Shea!"


"Love you too, bff." Lumayo ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "Ano?" Natatawa niyang saad.



Masaya ako, masaya ako dahil sa kabila ng nangyari sa kanya, sa kanila ni Hailey ay nanatili pa rin siyang ligtas. Nagagawa niya na ulit tumawa, nawawala na rin ang mga bruise sa braso niya, gumaling na rin ang ulo niya. Sana hindi na makalaya pa ang lalaking ’yon.



"Kayo ni Hailey? Kumusta kayo? Iba na ang closeness niyo."


"Bago ang accident, nililigawan ko na siya." Natigilan ako. "Pero ngayon... siya na ang lumiligaw sa akin." Natawa naman ako.




"I envy her because she can sacrifice herself to save you." That pathetic Hailey Cruz. Pinigilan niya ang patalim by using her own hand para lang hindi masaksak si Shea. "Sino ba siya sa tingin niya? Hindi naman siya super hero." Palatak ko pa.



"Ginamit niya ang past para mailigtas ako, hinarap niya ang sarili niyang bangungot para lang mailigtas ako sa lalaking ’yon." Napakunot noo naman ako. "Her sister died because of her ex-boyfriend's father, dahil sa tatay ni Ate Via." Natigilan ako. "Sabi niya kahit na ano ang mangyari ayaw niyang mauulit ’yon, ayaw niyang mangyayari sa akin ang nangyari sa past."



"I think nagugustuhan ko na rin siya." She pouted.


"She's mine." Natawa naman ako.


"She's all yours, Shea. Maswerte ka. Mahal na mahal ka niya." Namula naman ang kanyang pisngi. "Parang noon lang ayaw na ayaw mo pa sa kanya tingnan mo ngayon nahulog ka."


"I'll do the same naman. I can sacrifice myself to save her."



"Mag iingat kayong palagi, ako na ang bahala sa personal bodyguard ninyong dalawa. Ang lalaking ’yon hindi lang siya basta basta, hindi man lang siya nagsisisi dahil sa ginawa niya. Kahit basag na ang mukha niya dahil sa suntok ni Kuya Den nagawa pa niyang tumawa at sindakin ako." Naikuyom ko ang kamao ko.


She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now