Episode 31

79 3 0
                                    

Episode 31:



FLAIR




Nangingibabaw pa rin ang pag-aalala ko kay Peach kaya lang siguro hindi ako handa na makita si Charlotte. Should I leave? Pero hindi p’wede dahil kailangang magamot si Peach. Bahala na nga. Magsasalita pa lang sana ako ay saktong lumingon si Venice sa akin.



"Flair, andito ka na pala." Naglakad ako palapit sa kanila at ibinaba ko ang hawak kong paper bag. "Andito na ba lahat?" Tumango naman ako. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na magtapon ng tingin sa kanya kahit na sumilip.




Marupok ako!




"Kompleto na ’yan. May bandage na rin d’yan at alcohol. Ano ba ang nangyari kay Peach? Asan ba siya?" Baka bumigay ang tuhod ko kapag tiningnan ko siya.



"Nasa kwarto." Tumango naman ako.




"Ako na ang bahala sa kanya. Iwan ko na muna kayong dalawa." Bago ako mabilis na naglakad patungo sa  kwarto ni Peach.




Nakita ko na may tali ang braso ni Peach. May sugat na naman siya, hindi na talaga siya ligtas pa dapat mas nababantayan siya. Dapat mas secure siya, hindi lang basta sugat ito. Kahit wala akong alam sa mga iba't ibang uri ng patalim alam ko na tama ito ng bala. Daplis lang pero mukhang malalim para dumugo. Bakit hindi siya sa ospital dinala?




"Flair? Flair, ikaw na ba ’yan?" Tumango naman ako.



"Ako ’to, Peachy." Mabigat na  paghinga ang  binitawan niya.



Pagkatapos kong gamutin ang sugat ni Peach ay lumabas na ako. Hindi ko na naabutan si Venice pa at tanging si Charlotte na lang ang naroroon. Masyadong awkward, walang nagsasalita. Itinapon ko na lang sa trashcan ’yong mga ginamit kong bulak na halos puro dugo. Nang akmang babalik na ako sa kwarto ni Peach noong magsalita siya.




"How are you?" Natigilan naman ako. Ako ba kausap niya? "Ikaw ang kausap ko, wala namang ibang tao rito." Napalingon ako sa kanya.



"Buhay pa."



"Galit ka ba sa akin?" Tumingin siya sa akin. Lumunok naman ako.




Hindi naman ako nagalit sa kanya. Kahit kaunti hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya kahit na katiting. Bakit nga ba ako magagalit sa kanya? Malinaw naman ’yong rason niya, hindi naman kami natapos nang magkaaway.
Sumama lang ang loob ko sa kanya.



"Hindi."



"Kumusta pag aaral mo?"



"Ayos lang naman ako. Survive naman na." Tumango naman siya.



"Do I still have a chance?" Natigilan ako. Tinitigan ko siya. "I miss you." Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Tumigil ang buong paligid pero panandalian lang dahil narinig kong tumatawag si Peach kaya pumunta ako kaagad.



"Flair, dito ka lang." Tumango naman ako. "Huwag mo akong iiwan kay Salvador. Masama ang ugali no'n." Napahawak ako sa noo ko.




Ayaw niya talaga kay Venice.



"I will." Hinigpitan niya ang kapit sa palad ko.



"Can I court you again?" Halos mapatalon ako sa gulat noong magsalita siya mula sa likuran ko.



She Owns My Lips || (Completed) ||Where stories live. Discover now